Bitcoin halvening


Ang Halvening ng bitcoin ay nangyayari kada-ika apat na taon. Ito yung pag babawas ng reward by 50 percent na nakukuha ng mga bitcoin miners. Sa kasalukuyan ang mga bitcoin miners ay nakakatangap ng 12.5(BTC) each time they successfully mine a block.

Pero by the end of May 2020( yung susunod na halvening) ang matatangap na lang ng mga miners ay 6.25 (BTC).

Ang idea ng halvening ayon kay Satoshi Nakamoto ay para labanan ang inflation.
Hindi katulad ng fiat currencies, na prone talaga sa inflation.
Limitado lamang ang supply ng bitcoin (21 million)  na kapag na reach na nang network ang limit, wala ng bitcoin na magegenerate.

Ito yung explanation ni Satoshi Nakamoto sa kanyang email:

"The fact that new coins are produced means the money supply increases by a planned amount, but this does not necessarily result in inflation. If the supply of money increases at the same rate that the number of people using it increases, prices remain stable. If it does not increase as fast as demand, there will be deflation and early holders of money will see its value increase.
Coins have to get initially distributed somehow, and a constant rate seems like the best formula."


Ginamit ni Satoshi Nakamoto ang logarithmic scale na nagtatakda sa tamang oras ng halvening.
Ibig sabihin kahit na 80 percent na ng bitcoin supply ang na mimina sa loob ng 10 taon, aabutin pa ng 2140 bago ma mina ang kahuli-hulihang bitcoin.

May mga research na nag sasabi sa susunod na halvening na magaganap next year on May 2020, kung saan mababawasan ang supply ng bitcoin sa market. Ito ay mag dudulot ng pag taas ng presyo ng bitcoin.


halvening bitcoin


Kung pag mamasdan natin mabuti ang chart pattern nang bitcoin since the inception in 2009. Dalawang beses pa lang naganap ang halvening ng bitcoin—kasi nga every 4 years lang ito nangyayari.

Ang first halvening ay nangyari noong November 2012 at pag kalipas ng 12 months na abot nang bitcoin ang all time high na $1,000.

Sa pangalawang halvening na nangyari noong 2016 ganon din, after 1 year na reach ng bitcoin ang $19,000.

Mapapansin natin na pagkatapos ng halvening wala itong immediate impact sa price. Pero ang valuation ng bitcoin at tumataas pa unti-unti. Inaabot ng 12 months bago ma abot ang bagong all time high. At pag katapos, babagsak ulit ang price ng bitcoin. Hindi lang naman bitcoin kasama na rin ang buong market. Importante ang mga impormasyon na ito para sa mga investors na katulad natin.

Pero ano sa tingin nyo ang maaaring mangyayari sa price ng bitcoin sa May 2020?

May nabasa akong article na nagsasabi na  pwede itong umabot ng $55,000.
Ito yung article: https://bitcoinist.com/bitcoin-price-prediction-55000-2020-halving/

Well, kanya-kanya tayo ng opinion.
pero sabi nga ni Mark twain

“History may not
repeat itself, but it rhymes.”

Ano ang opinyon nyo dito?  Leave your comment below.