Brave browser


Brave, isa sa pinaka promising na project sa crypto space. Dito maari kang kumita nang pera sa  pamamagitan nang BAT(basic attention token).

Ang BAT ay isang uri nang cryptocurrency na ang purpose ay for micro payments.

Napapansin mo ba pag nag bbrowse ka sa isang website, may mga ads na nag popop up at kailangan mo pa ito iclose para ma access mo ng buo ang website

Hindi ba para sa mga ordinaryong users nakakairita minsan ang mga ads na ito.
Pero sa pamamagitan ng Brave Browser at nang BAT, maaaring mag bago ang means of advertisement sa mga website.

Dahil sa BAT tokens imbes na mag lagay nang ads ang  mga website owner. Pwede na silang makatangap ng tips galing mismo sa mga users.

And as a user maari ka rin makakuha ng BAT tokens sa pamamagitan nang pag bbrowse nang ads(yung ads na gusto mo) sa brave browser. May option ka dito na iturn on and off ang mga ads.

Ang brave browser ay privacy-oriented, kaya naman mayroon syang native ad blocking capabilities. At hindi katulad ng ibang browser, ito ay nag tataglay ng  BAT wallet. Kung saan maiipon ang makukuha mo na BAT tokens.

May dalawang paraan para pag kakitaan mo ang brave browser.

First being a user, mag bbrowse ka ng mga ads gamit ang brave browser.
At secondly, as a publisher, kung isa kang content creator pwede kang makatangap ng tips sa mga visitors mo from your channel.
Syempre kailangan din sila gumamit nang brave browser para makapag send sila nang tips sayo

As a User

Ang pinaka unang kailangan mo gawin para makapag earn ka nang Basic Attention Token is to download the brave browser.

Click mo lang yung logo


(Disclosure: Please note that altcoinpinoy will receive an incentive when you download the above link)

Install mo lang at gawin mong default browser ang brave browser para makapag earn ka nang bat tokens. Sa ngayon hindi pa available dito sa Pilipinas ang pag view ng ads to earn Bat tokens.

I will update this article once na ma launched na ito sa atin, pero mas maganda kung sa ngayon pa lang ay mayroon ka na nito.

Take note:

As of now, ang BAT wallet ay one-way pa lang. Ibig sabihin kung mayroon ka nang bat tokens sa wallet mo, gamit ang brave browser pwede kang mag send nang tip sa mga website owners na paborito mo.
Pero hindi ka pwede mag withdraw. Wala pang way sa ngayon para ma withdraw mo ang BAT tokens galing sa iyong funds.

Pero wag ka mangamba mag babago din yan in the near future.

As a Publisher


Ang pangalawang paraan para makakuha ka nang bat tokens ay ang pagiging publisher.
Advantage ito sa mga content creator na mayroong youtube channels at website.
Para magawa mo ito, kailangan mo muna pumunta sa Basic attention token publisher page at mag sign up.

https://publishers.basicattentiontoken.org/publishers/
Brave browser download


Ilagay mo lang ang iyong email address and submit the form.
Brave browser download


Sa email mo may marereceived ka na verification form click mo lang yung verify email.

Brave browser download



Kapag naverify mo na ang email address mo makikita mo na ang dashboard— kung saan pwede mo na ilagay ang mga "Channels" tulad ng Youtube,Website, at Twitch channel. Dito mo rin makukuha ang referral link para maipromote mo na si brave browser.

Brave browser


Pagkatapos mo ma add ang iyong mga channel makakakuha ka ng referral link. Kailangan mo lang maghintay ng 24 hours para maverified ang channel na nilagay mo. And after that, pwede mo na ishare ito sa social media directly.
Brave browser


Sa dashboard mamomonitor mo kung gaano na kadami ang nag download gamit ang iyong referral link.

At kada may magdownload gamit ang iyong referral link, kikita ka ng $5 in BAT tokens. Pero hindi instant yan, kailangan mo maghintay ng 30 days bago ito mag reflect sa wallet mo.

Ang payment dito ay tuwing 8th of the month.
At kung hindi mo pa na seset up ang uphold account mo, mag aaccumulate lang ito at ma carry over sa susunod na buwan.

Isa pang way para mag earn ka ng BAT  tokens as a publisher, ay pag may nagbigay sayo ng tips galing sa iyong mga visitors. Halimbawa, nagustuhan nila yung content na ginawa mo at verified publisher ka naman sa brave browser, makakapag send sila ng tips sayo as a visitors.

Uphold account

Dahil nga one way wallet lang ang brave browser at hindi ka makakapag withdraw ng funds dito directly.
Kailangan mo mag sign up sa third party payment processor at ito yung uphold.

Ang uphold ay official basic attention token publisher program's payments processor.
As a publisher, kailangan mo mag open nang uphold account. Madali lang naman, need mo lang mag fill up ng form at completohin ang KYC verification process.
Punta ka sa site nila and click sign up.



Uphold brave


Pag nakapag sign up ka na makikita mo na ang dashboard
brave


Dito kailangan mo kumpletohin ang uphold ID verification procedure kung gusto mo makapag deposito or makapag withdraw gamit sa peso money.(kailangan verified account holder ka muna).

Sa uphold pwede mo iadd ang iyong bank accounts, credit and debit card.



Supportado ng uphold ang ibat ibang uri ng currencies.
uphold brave


Conclusion:

Nasa early stage pa lang ang project na ito marami pang pwedeng mag bago at madagdag sa features ng brave browsers. Malaking tulong ito para sa mga content creator, users at maging sa advertiser.
Sa ngayon ang set up ay unti unti itong gamitin ng mga tao at makilala. Kung isa ka sa mga naniniwala sa potential ng brave browser na baguhin ang nakasanayan natin na unsafe browsing at nag kalat na mga ads sa mga website. Magsisimula ito sa tulong mo at ipamahagi ang nalalaman mo sa iba.