investing cryptocurrencies

When it comes to investing ang cryptocurrency na ata ang  pinaka rewarding yet risky investment sa panahon natin ngayon.

Kahit sino pwedeng kumita ng malaking pera sa pag iinvest sa cryptocurrency, Kung alam nila ang kanilang ginagawa.

Kaya naman maraming nahuhumaling pasukin ang cryptocurrency world. Itong guide na ito ay isinulat para  maging gabay sa mga taong gustong subukan ang swerte nila sa cryptocurrency world.

Hindi ito quick rich scheme, nakapag nag invest ka ngayon bukas ay may profit ka na.
This is real investing, pero still unregulated, walang banko na nagbaback up dito. Bagay lamang ito sa mga taong willing mag take ng risk. At syempre kailangan mo itong pag aralan muna. Bago ka mag decision mag invest.

Ano ang cryptocurrency?


Ang cryptocurrency ay digital currency na idinesenyo na ang purpose ay for medium of exchange. Ito ay ginagamitan ng cryptography para ma secure ang lahat ng transaction. Ito ay nakapaloob sa distributed ledger system na tinatawag na blockchain.

Ang charactheristic ng cyrptocurrencies ay ang mga sumusunod

-Digital
-Decentralized
-Peer-to-peer
-Pseudonymous
-Trustless
-Encrypted
-Global

Ang bitcoin ang ang kauna-unahang cryptocurrency na lumabas sa market noong 2009 na naimbento ni Satoshi Nakamoto. Kung gusto mo malaman kung ano ang bitcoin punta ka lang dito.

Maximizing your profit


Pagdating sa cryptocurrencies, may iba't ibang paraan na pwede mong gawin upang mamaximize mo ang iyong profit. Nakadepende ito sa goal mo at kung saan ka comportable.

Crypto

Trading


Isa itong paraan para mas kumita ng mabilis sa cryptocurrency world. Ang gagawin mo lang ay mag sign up ka sa isang crypto exchanges, and funds your account then—pwede ka na mag trade.
Marami kang kailangan matutunang skills bago ka magsimula mag trade at higit sa lahat hindi ito madali. Kailangan mo matutunan bumasa ng chart patterns, indicators at technical analysis etc.

May mga  taong mas kumikita sa trading kaysa pag hohold, mayroon din namang hindi.
May dalawang uri ng trading strategies sa crypto world. Ito yung Day Trading at Swing Trading.
Sa day trading bibilhin mo ang isang coin sa mababang halaga at ibebenta mo ito sa mataas na halaga (buy low, sell high)within the day. Sa swing trading naman, ganoon din ang strategy buy low, sell high. Ang kaibahan lang ay mas mahaba ang time frame ng pag tetrade. Pwedeng mag tagal ang position mo within a week or even months.

Hodling


Ito yung paborito ko, long term! Ibig sabihin hindi mo agad ibebenta ang coins na binili mo kasi may tiwala ka na tataas ang value nito over time.

Bakit ito tinawag na hodling imbes na holding?

Ito ay nag originate sa  Bitcoin talk forums, sa isang user na nagkamali sa spelling ng hold.
Kalaunan nakasanayan na ng crypto community na tawagin itong HODL (Hold On For Dear Life).

Maraming mga cryptocurency investors ang gumagawa nito. Kasi sabi nila mas nakakapag generate sila ng mas maraming pera sa ganitong diskarte, kaysa trading. Kung newbie ka pa lang, well, this is recommendable for you. Ang strategy na ito ay ginagawa din sa ibang market.
Sa cryptocurrency market kapag hinawakan mo ang coins mo lagpas isang taon maituturing na itong long-term strategy.

Diversification


Ang diversification ay subok na .Ito ay ginagawa din ng iba't ibang investment firm, tulad ng stocks, mutual funds, ETF etc.
Ang purpose ng diversification is to lessen the risk. Sabi nga nila "Don't Put all your eggs in One Basket." Kung mag iinvest ka sa cryptocurrency market, hindi advisable na sa isang coin ka lang mag fofocus. Halimbawa, mayroon kang PHP 20,000 at ininvest mo ito lahat sa Ethereum, kasi may tiwala ka na aangat ang value within 3 years.

Pero nagkaroon ng maraming development sa crypto world sa loob ng 3 years at tumaas ang competition sa market ng Ethereum at bumagsak ang value nito.

Nalugi na ang lahat ng investment mo. Unlike, kung nag diversify ka bumili ka ng iba't ibang coins tulad ng Bitcoin, Eos, Tron, Dogecoin etc.
Nakakalat ang investment mo. Kung bumagsak man ang value ng isang coin, marami ka pang ibang coins na pwede tumaas ang value.

Picking a coin


Sa cryptocurrency investing, pwede kang mag simula sa mga "Blue Chip" cryptocurrencies.
Ito yung mga cryptocurrencies na may market cap na mas mataas sa $2 Billion.
Sinasabi nang iba na kahit $30m qualify na as blue chip cryptocurrencies.
Pero para mas safe, mag stay tayo sa $2 Billion market cap pataas.
Yung nasa top ten ng coinmarketcap pasok dito.

Pwede ka din kumuha ng mga low cap coins (ito yung mabababa ang market cap)
Kapag mababa ang market cap nang isang coin, malaki ang chance na tumaas ang value nito.
Pero take note. Masyadong risky ang mga low cap coins. Kaya kailangan mo mag research ng matindi para malaman mo ang potential ng isang low cap coins. Napaka rewarding naman nito kung tataas ang value.

Take profit


Sympre kapag nag invest ka kailangan mo mag take ng profits. It depends on your goal short-term, medium-term or long-term basta kung sa tinging mo malaki na ang profit mo—pwede mo na ito ibenta. May mga iba kasi na hindi agad nag tatake ng profit kaya hindi nila ito namamaximize

Pero mayroong strategy na ginagawa lalo na kung tayo ay nasa bull market teritorry.

Let say for example nag invest ka nang PHP 5,000 sa isang coin. Yung investment mo umabot na ng PHP 50,000 almost 10x na ang itinubo.

Ang gagawin mo ibebenta mo ang 20% nito na nag kakahalaga ng PHP 10,000 at ititira ang PHP 40,000 80% during bull market. Ang ganitong gain sa cryptocurrency ay normal lang.
Kaya make sure na alam mo ang market cycle to determine whether you're in a bull market or bear market.

Tracking your portfolio


Kung hindi mo ittrack ang portfolio mo or ang holdings mo, hindi mo malalaman kung ilang percentage na ang profit ng mga coins mo.
Kailangan mo itong gawin para masubaybayan mo ang performance ng iyong mga coins.

Marami ng mga apps ngayon na magagamit para matrack ang iyong portfolio
Isa na dito ang Blockfolio.
Pwede ka mag set up ng price alerts na mag nonotify sayo kapag bumagsak at tumaas ang price sa certain  level. Normally, ginagamit ito ng mga swing traders, pero pwede rin naman gamitin ito ng mga long-term holders.

Kailangan mo kasi maitrack kung ilang percent na ang profit mo at malaman kung alin sa mga coins mo ang tumataas ang value. Sa ganitong paraan makakapag desisyon ka kung ihohold mo pa ba ang isang coin or kailangan mo na ito ibenta.

Read read read!

Ang pinaka importante sa lahat ay dapat masipag kang mag basa or mag research. Sa cryptocurrency world kailangan updated ka lagi sa mga news and events. Madaling gumagalaw ang price ng crypto coins, sapamamagitan lamang ng isang announcements, new developments or hacking incident na laging nangyayari sa mga exchanges. Kapag nalaman mo ito agad, syempre mapaghahandaan mo ito, at magagawa mo ang dapat mong gawing for profit or to prevent possible losses.

Mga sites na kailangan mo ivisit

CCN
Coindesk
Cointelegraph

Useful Resources

Cryptocurrency Exchanges

Binance
Kucoin
Liquid

Cryptocurrency wallet

Coins.ph
Coinbase
Abra

Conclusion

Ilan lang naman yan sa mga kailangan mo malaman, bago mo pasukin ang cryptocurrency world at marami pang iba. Marami ka pang dapat matutunan na hindi nabangit sa article na ito. Ito lamang ang simula at nawa'y makatulong ito sa iyong cryptocurrency journey.