What is litecoin

Kung updated ka sa mga news about cryptocurrencies, malamang napansin mo ang sudden price surges ng litecoin. Hindi lang naman litecoin pati na rin ang bitcoin at iba pang altcoins.
Pero ang litecoin ang best performer among the top 10 coins.

Ano kaya ang dahilan?

Sabi nila dahil ito sa nalalapit na halvening ng litecoin. Aalamin natin ito mamaya.
For the benefit of the doubt

Ano ba ang litecoin?


Ang litecoin ay isang decentralized digital currency na ginawa ni Charlie Lee (former Google Engineer) noong 2011.
Ito ay katulad ng bitcoin na may functionality as a payment system. Kung ang bitcoin ay ang gold, and litecoin naman ay tinaguriang silver of cryptocurrencies.
Walang masyadong pagkakaiba pag dating sa features ng bitcoin at litecoin.
Ang code na ginamit sa pag gawa ng litecoin ay galing sa original code ng bitcoin.

Features


Transactions

Para macompleto ang isang transaction at mailagay sa public ledger nagtatagal lamang ito ng 2.5 minutes. Mas mabilis sa bitcoin na inaabot ng 10 minutes.

Numbers of coins

Ang total supply ng litecoin ay 84 million. Mas marami ng apat na beses sa bitcoin.

Cryptography algorithms

Ang bitcoin at litecoin ay parehong gumagamit ng proof-of-work algorithm,
Sa bitcoin SHA256 hashing algorithm, at ang Litecoin naman scrypt hashing algorithm.

Ano ang pinag kaiba ng dalawang algorithm?

Ang SHA-256 ng bitcoin ay more complex kumpara sa scrypt ng litecoin na more on memory intensive algorithm.
Dahil magkaiba sa proof-of-work algorithms, it means magkaiba din ang hardware equipment.
In other words, ang litecoin ay inimproved na bitcoin.

Litecoin halvening


At dahil nga halos magkaparehas sila ng bitcoin. Ang halvening ay nagaganap din sa litecoin. Ito yung paghahati ng block reward na nakukuha ng mga miners.

Huli itong nangyari noong August 2015, na kung saan from 50 litecoin reward naging 25 litecoin na lang ang nakukuha nang mga miners once na makaresolved sila ng mathematical problem.

Nangyayari ang halvening kada ika apat na taon, katulad din ng bitcoin. Ngayong taon magaganap ulit ang halvening ng litecoin from 25  litecoin to 12.5 litecoin.

ano ang magiging epekto nito sa price ng litecoin?


Kapag may nagegenerate na new coins galing sa mining, nag dudulot ito ng sell pressure sa market. Dahil kinakailangan ng mga miners na icash out ang mga na mined na litecoin to pay expenses tulad ng electiricity bills, hardware equipments, salaries etc.

Ngayon kung hindi tataas ang demand sa litecoin at mataas ang sell pressure, magdudulot ito ng pagbasak ng price ng litecoin.


So kapag nahati ang mining reward, kaunti lang din ang maibebenta ng mga miners, which result to less sell pressure. At kahit na hindi mag bago ang demand sa litecoin, hindi ito mag dudulot ng pag baba ng price. Normally tumataas pa nga

litecoin


Kung makikita nyo ang image sa taas yung nasa bandang kaliwa. Ang price ng litecoin ay nasa $1.12 noong January 2015 at tumaas ito ng $8.72 noong July at bumagsak ulit sa $4.00 pagdating ng Aug.25(Credit coindesk).

Ibig sabihin ang mga buyers ay nag aaccumulate na ilang buwan, bago pa man dumating ang halvening. At mag kakaroon ng kaunting pullback pagkatapos(Buy the rumors sell the news).

May possibilities na ang price surge na nangyayari ngayon sa litecoin ay dahil na rin sa halvening na magaganap sa August. At inaanticipate ito ng mga traders.
Pero bukod sa halvening may mga iba pang factors na nakakaapekto dito.

Other factors that could affect price surges


Increased Adaption

Isa sa mga fundamental aspect na maari nating tingnan ay ang steady growth ng litecoin. Marami ng mga merchants ang gumagamit ng litecoin. At kamakailan lang inanounced ng litecoin ang partnership nito with Spend.

Litecoin is now available on the #SpendApp. You can buy, sell and #PayWithLitecoin with your linked bank account. Spend #LTC at 40+ million locations with the Spend Wallet by instantly converting to fiat with the #Spend Visa® Card! @SatoshiLite @LTCFoundation @LiteCoinNews

 — @SpendCard

Bukod sa spend, marami pang mga merchants ang nag aaccept na ng litecoin worlwide.

Lower fees

Mas mababa ang transaction fees ng litecoin kumpara sa bitcoin. Pag mas mababa ang transacion fees mas marami ang gagamit as a medium of exchange. Napabalita last year
ang pag ttransfer ng litecoin na nagkakahalaga ng $62 million USD sa halagang $0.50 transaction fee.

Faster transaction

Bukod sa transaction fees, kailangan mabilis din ang pag process ng transaction.
Ayaw ng mga tao sa mabagal na transaction process. Although, ang transaction speed ng litecoin ay 2.5 minutes— mabagal pa rin ito kung ikukumpara mo sa mga payment system like paypal at credit card.

Pero may solusyon na dito ang litecoin at ito yung tinatawag na Lightning network.
Ang purpose ng lightning network ay pabilisin ang transaction sa blockchain.
Kaya nitong iconfirm ang transaction in a matter of seconds. Sa ngayon ginagamit na rin ito nang bitcoin upang resolbahin ang scalability issue na matagal ng drawbacks nito.
Marami ng merchants ang gumagamit nito world wide at patuloy pa itong lumalago.


Conclusion:


Ever since na lumabas ang litecoin sa market hindi ito nawawala sa top 10 valuable coins.
At habang tumatagal lalo pa itong nag iimproved katulad din ng ibang mga cryptocurrencies.
Halimbawa, mag speculate tayo sa price ng litecoin
Kung mag iinvest ka ngayon sa price nito na naglalaro sa $130 USD, at kung maaabot ulit nito ang all time high na price noong December 2017 na $375 USD na hindi malabong mangyari.
Mag poprofit ka ng 188%. Not bad.
But 2017 is totally different than today, mas lumawak na ang awareness ng mga tao sa crypto.
Kaya nga sinasabi ng mga analyst at experts na pwede nitong lagpasan ang all time high at umabot ng $1,000 by the end of this year. What do you think?

Always educate yourself before investing. And invest only what you can afford to lose.

Disclaimer: I am not a financial advisor or an expert, always do your own research before making an investment. DO NOT INVEST ALL YOUR MONEY IN CRYPTOCURRENCIES.