Bitcoin millionare


Alam kung gusto mo maging mayaman sino ba namang hindi?
Lahat tayo nangangarap maging mayaman, at mamuhay ng Financially free.
Pero hindi lahat tayo may big DESIRE to achieve this goal.

So paano ka yayaman or magiging milyonaryo in a simple way?
Na kayang gawin ng ordinaryong taong katulad natin.

Mga Options:


1. Tataya ka sa Lotto - Mas mataas pa ang chance na tamaan ka nang kidlat bago ka tumama sa lotto.
2. Mag aasawa ka ng milyonaryo - Sa pelikula lang nangyayari.
3. Mapapamanahan ng kayaman galing sa magulang - Not an option.
4. Mag iinvest ka sa bitcoin - Let me in!


Sa apat na nabanggit ang pinaka madali at ang pinaka possibleng magawa natin ay ang pang apat. Ang pag iinvest sa bitcoin, bilang isang ordinaryong mamamayan.

Pero hindi ba investing is risky lalo na sa bitcoin?

Yes, investing is risky kung hindi mo alam ang pinag gagagawa mo.
Lahat ng mga naging milyonaryo they make an investment. They take risk. Ngayon, kung takot ka mag invest—parang sinabi mo na rin na takot kang maging milyonaryo.
At kung ganyan ang mindset mo, mananatili ka sa estado nang pamumuhay mo habang buhay.

Marami ng mga taong naging milyonaryo sa bitcoin. Sila yung mga unang naka adapt, sila yung mga taong nag take ng risk na mag invest sa bitcoin. Although, noong mga panahon na iyon walang nakakaalam kung ano ang magiging future ng bitcoin.
Binabalewala pa ang bitcoin kasi mababa ang value centimos lang, kaya hindi pinapansin.

Pero ang mga taong ito. They don't look on the price, ang tinitingnan nila ay ang potential ng bitcoin.
Hindi ito nakikita ng average people, kasi masyado silang naka focus sa present. Ang nakikita lang nila ay kung ano ang nangyayari ngayon, ang price ng isang bagay— and they will judge it according to what they see in the present. But they overlooked the potential of the future.

A story of a man who became a millionaire


Gusto ko ishare sa inyo ang isang article na nabasa ko sa forbes kung paano naging milyonaryo ang taong ito sa pamamagitan ng pag iinvest sa bitcoin.

Hindi ko alam ang tunay na pangalan nya, sabi sa article na ayaw daw ipaalam ang tunay na pag katao for security reason siguro.

Tawagin natin siyang si John.

Si John ay isang software engineer at nag tatrabaho sa isang tech company sa silicon valley(wow bigatin). Una niyang narinig ang bitcoin sa kanyang "techie friend" noong July 2010. Nakuha nito ang attention ni John dahil sa mabilis na price increase nito sa loob ng 5 days, From $0.008 to $0.08. Imagine napakamura pa ng bitcoin noong mga panahon na iyon.

Pero hindi agad nag invest si John, pinag aralan nya muna ang technology na ito ng mga ilang buwan bago sya nag invest.
At dahil malaki naman ang kinikita ni John as a software engineer nag invest sya noong October 2010 ng $3,000.
Ilang bitcoin ang nabili nya? 20,000 BTC lang naman.
Mababa lang ang value noon kada isang bitcoin nagkakahalaga lang ito ng $0.15 per bitcoin.

Pero walang balak si John na maibenta agad ito. Gusto niyang makita kung hangang saan aabot ang price ng bitcoin. Ang strategy nya ay long term.
Hindi tinitingnan ni John maya't maya ang price ng bitcoin kung tumataas ba ito or bumababa. Bagkos tinitingnan niya lang ito pagkalipas ng mga ilang buwan.

After 3 years dahil nga may trabaho naman si John busy sa work, hindi niya na napansin ang investment sa bitcoin. Muntik niya pa nga itong makalimutan.
Pero sa panahong ito noong 2013, tumaas na ang value ng bitcoin.

Hindi na malaman ni John kung ano ang gagawin kasi tumataas ito ng 10%  everyday. So nag decide siya na ibenta ang 2,000 BTC sa halagang $350 kada isang bitcoin(tumataginting na $700,000 USD). Imagine, $3,000 lang ang ininvest ni John. May natitira pa siyang 18,000 BTC.
At ilang araw ang lumipas pumalo ang bitcoin ng $800 syempre nag benta ulit si John ng
2,000 BTC ($1,600,000 lang naman). Ganon ganon lang kumita si John ng $2.3 million.

At nag resigned na sya sa kanyang trabaho. Nakamit ni John ang inaasam asam ng karamihan na financial freedom. He quit his job and travel around the world kasama ang kanyang girlfriend.

Siguro nagtataka kayo kung saan napunta ang natitira niyang bitcoin?
Sabi sa article, na naibenta niya na ang iba, at ang kabuuan na naging profit ni John ay "$25 million."
Sa halagang $3,000 na puhunan kumita sya ng $25 million. At mayroon na lang siyang natitirang 1,000 BTC sa ngayon. Sabi ni John na nag hihintay siyang umabot ang bitcoin sa halagang $150,000 bago niya ito ibenta.

If you want to read the whole story you may go here.

Cool!

Isa lang si John sa mga millenial na naging milyonaryo dahil sa bitcoin. Marami pang iba diyan at may iba't-iba silang storya.

Profitable pa din ba mag invest sa bitcoin?


bitcoin


Alam ko ang iniisip mo. Sasabihin mo John invested early at huli ka na kasi nasa $8,000 na ang bitcoin. Eh paano kung bumagsak ang price ng bitcoin at maging zero nalugi ka pa.

Well, kung ganyan ang mindset mo uulitin ko ang sinabi ko kanina, hindi ka kailanman magiging milyonaryo. Mas mabuti pang mag stay ka na lang sa estado ng pamumuhay mo or mag tanim ka na lang ng kamote sa probinsya nyo.

Huwag natin tingnan ang price ng bitcoin ngayon, ang kailangan natin tingnan ay ang potential nito in the near future. Kung sa tinging mo malaki na ang $8,000 per BTC ngayon eh paano kung umabot ito ng $150,000 or $500,000 at hindi ka nag invest. Siguro sasabihin mo sa sarili mo sana nag invest pala ako noong $8,000 palang ang bitcoin.

Katulad din yan noong 2010. Walang nag isip na aabot ang bitcoin ng $800 after 3 years.
Pero may mga taong naniwala sa potential at nag take ng risk.

Syempre katulad ni John kailangan natin maintindihan ang nasa likod nang technolohiya na ito bago tayo mag invest.


Ang pinaka gusto ko na katangian ni John as an investor ay ang pagiging patience.
Hindi sya nagmamadali, gusto nyang alamin kung hangang saan aabot ang price ng bitcoin.

Karamihan sa atin gustong yumaman agad overnight, so we are looking for instant gratification.
Mas nag fofocus tayo sa mga quick rich scheme na inaalok sa atin. Kaya hindi ako nag tataka kung bakit maraming naiscam.
Ito rin ang dahilan kung bakit marami sa atin gusto mag day trading, iniisip nila na madali silang kikita ng pera dito.
Mas gusto kasi nila makakuha ng profit agad agad kaysa mag hintay ng matagal. But they end up losing afterwards.

Sabi nga ni Warren buffet

“If you aren’t thinking about owning a stock for 10 years, don’t even think about owning it for 10 minutes.”

Pero hindi ito stock, iba ang wildness ng crypto world. You can be a millionaire sa loob ng apat o limang taon. If you know how to play the rules.

Bitcoin Scarcity


Syempre hindi tayo puro prediction at speculation lang, kailangan natin mag provide ng proof of analysis ng value ng bitcoin.

May nabasa akong publication na ipinost ni Plan B sa Medium tungkol sa Bitcoin’s Value models in the context of scarcity. This is a must read article.


Madalas maikumpara ang bitcoin sa gold pero alam mo ba kung bakit?

Dahil sa scarcity. Ang definition ng Scarcity ay hindi madaling hanapin or hindi madaling makuha kasi kakaunti lang (parang ginto).

Pero sabi ni Nick Szabo  ang useful definition ng scarcity ay " unforgeable costliness."
Kung iisipin mo bakit ang mahal ng antiques at ginto?
Ito ay dahil sa orihinal na design at pag kakagawa nito na napaka impossibleng magaya.

Ganito rin ang bitoin, dahil sa proof-of-work na kinakailangan mag consume nang  mataas na kuryente para makapag produce ng bagong bitcoin. At hindi rin ito napepeke.

Ngayon ang analysis ay binase sa stock flow

SF = stock/flow
Stock ang ibig sabihin yung reserba or yung natitira. Ang Flow naman ay yung yearly production.



Ang gold ay may SF 62, inabot ito ng 62 years para maabot ang current stock ng gold.
Ang pangalawa ay ang silver SF 22.
Sa ngayon ang bitcoin ay may stock of 17.5m coins at may supply na 0.7m/yr= SF 25.
Dahil dito ang bitcoin ay maisasama sa category ng silver at bitcoin as a monetary goods.

Fixed ang supply ng bitcoin(hindi apektado ng inflation), kaya ang SF nito ay puro pataas lang habang tumatagal.



Kung pag babasehan ang scarcity ng bitcoin at sa pag aaral ng stock flow.  SF directly drives value.
Hindi maipagkakaila na ang darating na halvening ay magdudulot ng positibong epekto sa price ng bitcoin.
Sa pag gamit ng logarithmic values or axis para sa stock flow mag bibigay ito ng malinaw na linear relationship sapagitan ng stock flow at market value.

Kung titingnan natin ang magiging SF ng bitcoin sa hinaharap gamit ang parehong model sa pag kuha ng SF ng silver at gold. Mag reresulta ito ng SF 50 para sa bitcoin pagkatapos ng halvening sa May 2020.

At pag nangyari ito magkano ang aabutin ng price ng bitcoin?
Aabot ng $55,000 with $1 trillion market valuation.


bitcoin chart



Conclusion


Bitcoin is here to stay, hindi pa huli at pwede pa rin tayo mag invest sa bitcoin. Nasa early stage pa lang tayo at mahaba pa ang tatakbuhin nito. I am bullish long term with bitcoin, kumpara sa ibang mga altcoins. Ang bitcoin walang CEO, walang marketing team, walang head office hindi katulad ng ibang mga cryptocurrency. Maririnig mo lang ito by word of mouth. At hangang ngayon Bitcoin is still dominant. And it can make you a millionaire.


Disclaimer: I am not an expert, not a financial adviser, I do not guarantee a particular outcome. You need to do your own research and make your own decisions! This is just my own opinion. Use this as a starting point.




Buy me a Beer 🍻
ETH: 0x9d2960cb4fc8f4f73b83a6161c20906f734c4f1c