whati is cryptocurrency

Alam natin na ang Bitcoin ay isang uri ng cryptocurrency, at ang kauna unahang cryptocurrency na nagawa. Pero despite of awareness sa crypto world, marami pa din sa atin ang hindi nakaka alam kung ano ba ang cryptocurrency. Kaya ito ang quick and simple explanation about cryptocurrency para sa mga hindi pa nakaka alam.


What is cryptocurrency?


Ang cryptocurrency ay ang combination ng salitang cryptography at currency.
At ito ay tinatawag din na digital currency, pero hindi katulad ng traditional money natin na digital. Ang technology na nasa likod ng cryptocurrency ay medyo komplikado.
Ito yung tinatawag na blockchain, kung hindi mo pa alam ang blockchain punta ka lang dito.

Para mas lalo natin maintindihan, mas mainam kung mag kakaroon tayo ng idea  about cryptography.

Ang cryptography ay sinaunang paraan ng pagtatago ng mga confidential information sa pamamagitan ng mensahe na hindi basta maiintindihan ng kahit sino maliban sa recipient.

Napaka daming uri ng cryptography technigues noong panahon ng ancient times ng Greeks at Spartans.

At isa na dito ang scytale. Ang scytale technique ay nakasulat sa pergaminong papel na nakabalot sa isang bilog na cylinder. Ang recipient nito ang tanging nakakaalam kung paano ito babasahin ng tama, kailangan idecrypt ng receiver ang mensahe na  nakabalot sa lether strip at basahin ito ng tama.

Ang example ng ciphertext ay katulad nito "ashdyahboydhkokdojdnnjdhap”. Di ba hindi madaling maintindihan?
Ang paraan ng pag basa dito ay kada limang letra at lalabas sa parehong linya. At ang kakalabasan nito"Ayoko na sayo." Wag niyo masyado intindihin yan gawa-gawa ko lang yan, pero sana na gets nyo yung idea.

Ang cryptology naman ay ang pag aaral ng mga makabagong taktika kung paano maitatago ang mga confidential information.
At ang processso na ito ay nag eevolve sa pag daan ng panahon.

Sa ngayon ang cryptology ay na enhaned na at ginagamit na din sa digital world.
Dito nag originate ang digital money, sa combination ng mga makabagong programming language at technique—dagdag pa ang makabagong paraan ng pagtatago ng mga confidential information.

Dito nabuo ang cryptocurrency na kinabibilangan ng Bitcoin, Ethereum at Litecoin etc.
At lalo ito naging secure dahil na rin sa technology na nakapaloob dito ang blockhchain technology.

Sa madaling salita ang cryptocurrency ay isang uri ng currency in a form of digital, na walang central issuing or regulating authority. Ito ay decentralized at cryptographically secured system.


Different types of cryptocurreny


What is cryptocurrency


May iba't ibang uri ng cryptocurrency na nagkalat sa market, at mas mainam kung magkakaroon tayo ng idea sa iba't ibang uri nito.


Payment Currencies


Ito yung mga coins na ginawa for payment purposes. Na pwedeng gamitin pambili ng goods, pay your bills at pambayad online. Mas kilala ito sa tawag na coin.
Ang mga cryptocurrencies na nasa listahan nito ay ang Bitcoin,  Litecoin, Monero etc.


Blockchain Economies


Medyo unfamilliar yung term, pero tinatawag din itong  blockchain platform na ginagamit ang functionality ng blockchain technology na ang purpose ay hindi lang for payment.

Ang platform na ito ay nag aallow sa users na gumawa ng sariling digital asset (token), decentralized applications(dapps), etc. Ang nangunguna sa mga cryptocurrency na ito ay ang Ethereum.
Sumunod dito ang iba pang mga cryptocurrencies tulad ng ETC,Neo, Tron at EOS.


Privacy Coins


Dahil ang cryptocurrency ay hindi mag kakapareho, may mga asset na ginawa na naka focus sa privacy. In privacy transaction yung sender lang at receiver ang nakaka alam kung gaano kadami ang sinend na coin. At ang owner ng privacy wallet lang ang nakaka alam kung ilan ang laman nito. Hindi katulad ng sa bitcoin blockchain na transparent na ipinapakita ang each transaction amount pati na rin ang wallet address.


Utility Tokens


Ito yung mga tokens na ginagamit sa blochain based products and services. Nag rurun ito sa blockchain platform at parte ng blockchain economy. Ang pinakakilalang utility tokens ay ang ERC20 tokens na tumatakbo sa Ethereum blockchain.

Ang mga examples ng utility tokens ay ang Basic Attention Token  (BAT ), Omisigo (OMG), and 0x (ZRX).


Stable coins

From the name itself stable, hindi katulad ng normal na cryptocurrency na taas baba ang value. Ang stable coin kailangan stable lang ang price. Ito ang madalas na ginagamit ng mga traders kapartner ng paborito nilang cryptocurrency to prevent too much financial loss.

Maraming iba't ibang uri ng stable coins at may sinusunod silang kanya kanyang method.
Ilang sa mga ito ang JPM coin ng JP morgan at ang Libra ng facebook (hindi pa sigurado kung marerelease).
Ang iba pang mga examples ng stable coins na makikita sa mga exchanges ay ang USD Coin (USDC), Paxos (PAX), TrueUSD (TUSD) at Tether (USDT), etc.


Conclusion

Quick overview lang naman ito about cryptocurrency, para mag karoon lang tayo nang idea at kahit hindi na natin maintindihan ang mga technical aspect nito. Hindi naman requirements yun maliban na lang kung isa kang developers at napaka techie mo na tao. Well, marami namang article sa internet na nagkalat about technical stuff. Ito ay para lamang sa mga ordinaryong tao na gustong mag explore sa cryptocurrency world.