altcoinpinoy

Isa sa pinaka classic at pinaka madaling trading pattern na magagamit nang kahit na sino, especially ng mga baguhan pa lamang sa trading.
Kahit  ito ay napaka simple lang at matagal ng ginagamit, napaka effective parin nito kasi karamihan ng mga traders ito pa rin ang ginagamit
At dahil na rin sa trend na kailangan mong gawin ang ginagawa ng ibang traders.

ABCD Patterns

Ang ABCD patterns ay nag sisimula sa isang strong upward move. Ang mga buyers ay aggresibong bumibili sa (point A) kaya ito ay magdudulot ng pag taas ng price papunta sa (point B). Ngayon gusto mo mag enter sa trade, pero tandaan mo hindi mo pwede habulin ang trade na ito at basta basta ka na lang pumasok. Kasi sa point B masyado ng extended ang price. At hindi mo masasabi kung saan mo ilalagay ang stop loss mo. Sabi nga ng mga experienced trader, never enter a trade without knowing your stop (specially day trader).

Sa point B, yung mga traders na nakabili agad sa point A, ay nag sisimula na ibenta at kumuha ng profit. At mag reresulta ito nang pag baba ng price.
Pero hindi ka pwede basta pumasok sa trade kasi bumababa pa ang price nito. Maghihintay kang mag flat or humupa ang pag baba ng price. Ito na yung (point C) At ibig sabihin na nakahanap na nang potential support ang asset.


Sa ganitong sitwasyon pwede ka nang gumawa ng plano sa trade mo at mag set up nang stop loss at profit taking point.




Sa example ng 4 hours bitcoin chart na nakikita mo sa itaas, ang point A ay nasa $3,400 at ang point B ay nasa $3,650.

Karamihan ng mga traders hindi agad nakaka bili sa point A. Mapapansin na lang ng mga traders na nag spike ang bitcoin at titingnan nila ngayon kung ano ang dahilan, maaring (news, announcement, events, etc) or any form of catalyst na pwedeng maging dahilan ng pag taas ng price.

Pero hindi sila agad papasok dito at mag oobserve muna sila.
Posible na mapansin ng mga traders na hindi na bumababa pa ang price nang bitcoin. At dahil nga ang pattern na ito ay alam ng karamihan nang mga traders at nakikita na nila ang point C sa price range na $3,600.

Iisipin nila na ito na ang potential support. At sabay sabay sila ngayon papasok sa trade kaya ito ay magdudulot sa pag bulusok ng price papunta sa range na $3,970.

Madali lang diba?

Tips: Ang point C ay laging mataas sa point A, normally nasa gitna or nasa ilalim malapit sa Point B.
Ang stop loss mo kailangan naka set up sa ilalim ng point C. Para maiwasan mo ang matalo ng malaki kung sakaling mag failed ang ABCD pattern. Walang pattern na perfect kaya you have to carefully observed.


Ang ABCD pattern ay karaniwan ginagamit sa forex, stock at ibang market tulad ng cryptocurrency market. Always make sure to use other indicators para masuportahan ang assumption mo.
This pattern is very profitable, kung magagawa mo iexecute properly.


Read more:

10 Stages of Market Cycles
Candlestick Chart Patterns
Support and Resistance


Disclaimer: I am not an expert, not a financial adviser. This post is provided for informational purposes only. Please do your own due diligence before making any investment decisions.