Maraming mga traders ang nahuhumaling sa mga trading bots or yung autopilot. Yun tipong kikita ka nang pera ng walang ginagawa, nagbabakasyon lang at naliligo sa beach habang tuloy-tuloy ang pag pasok nang pera.

Sa tinging nyo possible ba ito? Para sa akin isa itong malaking joke, at mga newbie lang ang madalas naiimpluwensyahan nito.

May mga taong pilit na nag dedevelop ng mga automated trading system, at ang iba naman bumibili ng system sa mga vendors—hindi lang sa crypto world pati na rin sa ibang market.

Matagal na itong ginagawa, sa ngayon ang ganitong system ay madodownload na lang sa mga computers na may iba't ibang disenyo. Mayroong mga system na open para ma optimized, at may money management rules pa nga na kasama. Mukhang promising.

Napakadaming traders na gumagastos nang malaki para lang makahanap ng magic wand na kayang itransform ang mga computer codes na ito at gawing endless stream of money.

Ang mga traders na nagbabayad sa isang automatic trading system, ay parang mga medieval knights na nagbabayad sa isang alchemist para sa sekretong pag gawa na baguhin at gawing ginto ang isang metal na sandata.

Ang mga complikadong gawain ng mga tao ay hindi pwedeng isugal sa mga bot or automation.
Tulad ng computerized learning system na hindi kayang palitan ang mga teachers, at programs sa pag poprocess ng taxes na hindi naman nag dudulot ng unemployment sa mga accountants.
In short, ang mga machines at system ay makakatulong pero hindi kayang palitan ang tao.

Kung mayroon mang successful trading system, ang makakabili nito ay pwede ng magbakasyon kung saan saang lugar at mabuhay ng masagana ng walang iniintindi financially.

May kakilala ba kayong trader na gumagamit ng bot na namumuhay na nang ganito?
Ako kasi wala. At kung meron man, hindi ako maniniwala.

So far, ang mga tao lang na kumikita dito ay yung nag bebenta ng system. Pero ang nakakapag taka, kung working ang trading system na ito, bakit nila ibinebenta?
Pwede na silang mag retiro at mag bakasyon sa boracay ano mang oras gustuhin nila.
Syempre may kanya kanyang silang mga linya. Ang iba ang sasabihin mas gusto nila ang mag program kaysa mag trading, or para makatulong sa mga nangangailangan.

Kaya lang ang takbo ng market ay pabago bago at kayang talunin ang kahit anong automated trading systems. Pwedeng ang system na ginagamit mo ngayon ay nagwowork, pero probably bukas hindi na working yan.
Ang competent trader ay kayang iadjust ang method na ginagamit nya kapag nadetect nyang may mali or may problema.
Ang mga bot trading system ay less adaptable and self destructs.

Kaya nga ang mga airlines company ay nag babayad ng malaki sa piloto kahit na mayroong autopilots.
Ginagawa nila ito kasi humans can handle unforeseen events. They can improvised solution kung sakaling mag karoon ng aberya sa eroplano at mapilitan mag landing sa ibang lugar. Walang autopilot na makakagawa nito.

Kaya naman kung ilalagay mo ang pera mo sa isang automatic trading system, para mo na rin iniasa ang buhay mo sa autopilot. Isang unexpected events lang ang kinakailangan upang masunog ang account mo.

Pero may mga iba namang good trading system dyan, yung nga lang kinakailangan pa rin itong imonitored at iadjust using individual judgement. Hindi mo pwedeng iasa ang responsibilidad sa mechanical system para maging successful.

Ganito lang yan, yung mga traders na nangangarap ng isang automated system ay gustong bumalik sa pagiging sangol. Ang magulang nila ang nagbibigay sa kanila ng pagkain, gabay at pag aalaga.
Ngayon gusto ulit nila ito maexperience  habang sila ay nakahiga at walang ginagawa, tuloy tuloy ang pag daloy ng mainit na gatas sa kanilang mga bibig.
Ang market ay hindi mo magulang na aarugain ka. Ito ay binubuo nang mga matatapang na lalaki at babae, na handang kunin ang pera mo ano mang oras, at hindi para lagyan ng gatas ang bibig mo.