Ito yung kabaliktaran ng descending triangle, kung ang descending triangle ay normally bearish. Ang ascending triangle naman ay bullish. Pero hindi sa lahat nang pagkakataon, pwede rin itong mag result sa down trend.

Ang hugis nito ay triangle na may horizontal top. Kabaliktaran ng descending triangle, nag sisilbing resistance ang horizontal line nito sa itaas.  At ang minor lows naman ay ascending.

Pero may idea ba kayo kung bakit ito nabubuo?

Ito ay dahil sa lack of selling pressure, mas malakas ang strength ng buyer side kaysa sellers.
Makikita natin sa ascending triangle ang maka ilang ulit na  higher lows, kasi ang mga buyers ay mas willing bumili ng asset sa mas mataas na presyo. And it indicates bullishness na mag tutulak ng price paitaas.

Sa kabilang banda ang horizontal top nito ay nag sisilbing resistance na may mahinang selling pressure, kasi kung malakas ang selling pressure nito—hindi makakabuo ng horizontal top at ang price ay naka pwesto pababa.


Upward breakout





This is  a not so perfect example of ascending triangle sa daily chart ng Litecoin. Mapapansin natin na dalawang beses na tumama ang price action sa horizontal top pero nag bounce ito paibaba. Kung mas malakas ang seller side, it could results to a double top na mag tutulak pababa ng price.
Pero dahil mas malakas ang buyer pressure, it creates a higher low na nag resulta sa upward breakout.





Ito pa ang isang example ng ascending triangle with an upward breakout. Ang formation ay halos katulad din ng kanina. Normally, nag dedecline yung volume nito parang nag iipon ng lakas, at pag nagkaroon ng break out pataas, sasabay ang volume.


Downward breakout






Katulad nga ng sinabi ko kanina, hindi sa lahat ng pagkakataon ang ascending triangle ay bullish.

May mga panahon din na ito ay bearish na nag reresulta sa down ward breakout. Ang magandang example nito ay yung image na nakikita niyo sa itaas. Chart pa rin yan ng Litecoin, pero ang naging outcome nang inaanticipate na breakout paitaas ay kabaliktaran.

Maraming mga factor kung bakit ito nang yayari, maaring may lumabas na hindi magandang balita, at ang mga traders at investors ay nag panic. Sa ganitong sitwasyon sa labanan ng buyers at sellers mas malakas ang sellers at ang mga undecided traders at investors ay nasa paligid ligid lang at nanunuod, kapag napansin nilang mas malakas ang pressure sa kabilang side, doon sila tatalon. Kaya nag kakaroon ng flash crash.


Incorrect ascending triangle formation






Masasabi natin na incorrect ang formation na ito, kasi hindi tumama sa horizontal top ang price action. Kailangan ma hit ng price action ang horizontal top ng dalawang beses or higit pa, ganoon din ang scenario na makikita natin dapat sa higher low formation sa ilalim.


Earn Free Bitcoin

Conclusion


I am not a chartist type of trader. Pero I know how to read charts, at alam ko na malaki ang maitutulong nito sa isang trader. Chart patterns has been tested over time at makikita sa lahat ng time frame. Kaya kung may magsasabi sa inyo na hindi working ang mga chart patterns, huwag kayo maniwala joker yun.