how to become a trader


So you want to be a trader?

Well, good for you.

Pero bago ang lahat, gusto ko lang ipaalam na ang trading is not for everyone.
May mga skills na kailangan kang matutunan bago ka maging isang ganap na trader.

Hindi ito katulad ng day to day job na you can live with paycheck to paycheck, na kapag nag trabaho ka ng 8 hours—ay may kikitain ka after two weeks or 1 month.

Sa trading there is no certainty that you can make money. Ito ang realidad.

Ngayon gusto mo pa rin bang maging full time trader?

Sa kabila ng marami kang responsibilidad sa buhay, monthly bills, pambayad sa bahay, home credit etc.

Gugustuhin mo pa rin bang ipagpalit ang stable job mo sa trading?

Of course not, you will stay with your job!


Benefits of trading


Although, trading is risky at walang kasiguraduhan na kikita ka or hindi. Maraming mga tao na nahuhumaling na pasukin ito, dahil sa mga sumusunod.





Financial Freedom


Kung nag tatrabaho ka sa isang kompanya at wala kang inatupag kundi hintayin ang oras ng uwian at day off mo. Tatanonging kita masaya ka ba sa ginagawa mo? Hindi.

Pero wala ka naman choice, kasi kailangan mo nang pera. Ito ang oppurtunity na kayang ioffer sayo ng trading. Hindi mo na kailangan bumyahe ng mahaba papasok sa trabaho, kasi ang office mo ay nasa bahay lang.

Pwede kang mamili kung anong oras ka mag tetrade at magbakasyon kung kailan mo gusto. Na hindi mo na kailangan mag file pa ng leave at ipa approved sa boss mo.


Family time


Hindi mo na kailangan mangibang bansa para kumita ka ng malaki. Alam naman natin  na maliit ang pasahod dito sa Pilipinas, kaya ang iba sa atin napipilitan mangibang bansa. Para lang kumita ng mas malaki kahit papaano. Pero if you will learn how to trade, at sineryoso mo ang pagiging isang trader.

You don't need to do this anymore at mag trabaho para sa iba. Mas marami ka ng time sa iyong pamilya. Mas maalagaan mo ang mga anak mo. Kaya nga ang iba mas pinipili ang home based job. Pero karamihan sa mga home based job you still provide service for others. And I know that you hated it.


No discrimination


Sa trading hindi mo kailangan ng pleasing personality, hindi kailangan graduate ka ng college, no age limit. Unlike other professions na kung ano-ano pang requirements ang hihingin sa iyo para makapag umpisa ka. As long as may sapat ka na capital at knowledge sa trading, you can start trading anytime.


Wealth


Sabi nga nila walang yumayaman sa pag tatrabaho ng 9 hours sa opisina 5 times a week. Unlike sa trading, na may opportunity ka na makamit ito. May mga traders na kayang kumita ng millions sa loob ng 5-10 years. Tulad nila Ed Seykota (The greatest trader of all time), Richard Dennis, Marty Schwartz. Sila yung mga  traders sa book na Market Wizards ni Jack Swager. At marami pang iba diyan na hindi natin kilala.

Pero ang tanong, Kaya mo bang kitain yan sa fixed rate income mo sa loob ng ilang taon? Syempre hindi.

Pero katulad ng sinabi ko kanina hindi ito ganoon kadali, kasi pwede ka din matalo at matalo at matalo kung hindi mo alam ang pinag gagagawa mo.

Ang trading ay parang business or entrepreneur. Sa business wala kang assurance na papatok ang ginagawa mo, Sa unang mga taon puro labas lang ang pera, at walang kasiguraduhan na babalik ang mga capital na inilabas mo.

Pero once na magbunga na ang lahat ng ginawa mo. You can earn 7 digits monthly, at hindi ito nangyayari overnight. It takes time.

Ngayon gusto muna ulit maging trader dahil sa mga nalaman mo. Pero did you know na 10% lang ang nag tatagumpay sa profession na ito?

Yes, you heard it right.

Karamihan sa bagong traders, mag sisimula sila mag trade at once na maka experienced sila ng string of losses they quit. They think that trading is not for them.

Kung ang attitude mo ay ganito. You better not start trading instead. Ipunin mo na lang yang pera mo sa ibang bagay.

Marty Schwartz one of the greatest traders ever lived, had been a loser for 9 years bago naging successful trader.

Pero it does not mean na mangyayari din ito sa iyo, ito ay case to case basis. Ang gusto kong iparating is you can be successful with persistence.

If you are passionate about what you're doing you can be successful in any field.




Understanding the market.


First and foremost, bago mo pasukin ang trading you need to understand how the market works.

Kasi ang market ang environment na gagalawan mo.

Mamimili ka kung saang market ka mag tetrade. May mga nag tatanong na kung anong market ba ang mas maganda mag trade or mas  profitable?
Cryptocurrency, Forex, Stock market, Commodities, etc.

Well, the answer to this question is any market.

If you will be a professional trader you can trade any market without knowing what market it is.

If I will show you this chart.




Masasabi mo ba sa aking kung anong market ito?

Malamang hindi.

Ganyan ang makikita nyo in every market in every time frame. They look the same. Ito ang representation ng mass psychology.

Pero ano nga ba ang market?

Bibigyan kita ng basic idea. Ang market ay isang lugar kung saan nag titipon tipon ang mga tao(virtually) na may iisang motibo. To make money in the market. Ito ay binabalot ng human emotions fear, hope, denial, greed, and uncertainty.

Do you think the market is a good environment? No! It is a harsh environment.
Trading is a zero sum game. Ang pera na makukuha mo sa market ay galing din sa ibang trader.
In every trade, if there is a loser there is a winner on the other side of the trade.


Build a trading strategy


Ngayon mayroon ka nang idea kung ano ang market.

Alamin naman natin kung ano ang mga kailangan mo para mag survive ka sa environment na ito.

Siguro narinig mo na ang term na technical analysis. Ito yung tools na ginagamit ng mga trader to have an edge.

Hindi ka pwedeng sumabak sa gera ng wala kang sandata or hindi sapat ang sandata mo.
That is why it is important to learn technical analysis. Ang mga chart patterns, indicators, oscillators etc, ay ginawa para maging sandata ng mga traders to have an edge in every trade.

At syempre kailangan mo matutunan kung paano ito gamitin properly.
This is a must for a trader. Hindi mo kailangan pag aralan lahat ng indicator but don't be average.

Ang isang disiplinadong trader ay hindi nag rerely sa iisang indicator lamang, they have a different set of trading systems that consists of a different set of indicators.

But there is no perfect trading system. There is no holy grail in trading.
Kaya kung nag hahanap ka ng trading system na puro panalo lang at walang talo. Wala kang mahahanap, at obvious naman na you are looking for easy money. Well, trading is not for you.

At hindi ito nag tatapos sa technical analysis lamang. Kailangan mo din matuto ng risk management and trading psychology. You may want to check this article. The 3 pillars of successful trading



Earn Free Bitcoin


Experience


Kung sa tingin mo ang trading ay makukuha mo lang sa loob ng ilang buwan. Well, nag kakamali ka. Hindi porke nanalo ka ng ilang trade ay expert ka na. Darating ang panahon ang pinag hirapan mo ng anim na buwan ay mag lalaho lang ng parang bula in just one trade.

And that is part of the process, market will beat you in any circumstances.
Kahit yung mga the best of the best traders in the world, experienced to be beaten by the market. They make millions and then become broke afterward.

And they have tremendous trading experienced, 10 years, 20 years, 30 years you name it.
Ang punto dito ay wag ka masyadong kampante, dahil may 3 months experienced ka na sa trading.

This is the reality of trading. And that is why trading is not for everyone.
Like entrepreneur and business are not for everyone.

Ano ang pagkakatulad nila?

Uncertainty and risk.

Average people do not want uncertainty and risk. What they want is security.
Lesser risk, lesser reward. So be it.




Do you still want to be a trader?


Ngayon mayroon ka ng kaunting idea, kung ano ang nature ng trading, it's up to you to make a decision.

Are you willing to spend your precious time to learn this thing?

Or sasabihin mo wala kang time.

Hindi mo kailangan maging full time trader agad. You can do it part-time. You can still stick with your job, habang pinag aaralan mo ito. At syempre kailangan mong seryosohin.

Binabasa mo ito kasi gusto mo malaman ang nature nang trading, ibig sabihin interesado ka. Pero ang tanong gaano ka kainteresado sa bagay na ito?

If you have a weak desire, then expect a weak result. Yun lang naman ang masasabi ko.

Anyway, may mga basic articles tayo dito sa Altcoinpinoy na pwede nating basahin as a starting point, kung gusto nyo talaga matuto ng trading. Expect more articles to come.


Trading Strategy

Day Trading
Swing Trading
Scalping Strategy


Techcnical Analysis

Candlestick Chart patterns
Support and Resistance
Bollinger bands
Moving Average Convergence Divergence (MACD)
Trend
Volume