Trading


There is no shortcut in trading!

So what the heck am I talking about?

Masyado man exaggerated yung title ng article, pero let me give you an idea how to get fast experienced in trading.

Alam natin na ang trading ay isang uri ng skills. At para maging mahusay ka sa isang bagay, you should gain more experience.

But how do we get experienced?

Through practice and repetition. Paulit ulit mong gagawin ang isang bagay in a consistent basis, hangang dumating ang point na its automatic.

A musician spends thousands of hours, bago nya maabot ang level ng isang magaling na musician.

The same thing with trading, kailangan mong mag laan nang oras dito para magkaroon ka ng madaming experienced.

But the question is how long?

If you will ask professional traders, ang sasabihin nila sayo it takes 3- 5 years or even 10 years.

It depends on how passionate you are. At tama naman sila doon. There is no shortcut in trading.


But I discover, that there is a trick to gain fast experienced in this field.

Nalaman ko lang ito sa isang professional traders na nainterview sa podcast na napakingan ko.

Marami akong resources sa trading, bukod sa pag babasa ng mga books, I also listened to some podcast out there. And I suggest, na gawin nyo din ito. Kung passion nyo talaga ang trading.

The secret is High-frequency trading. Don't get too excited.
Hindi nyo kailangan mag trade dito. And I don't recommend na mag trade tayo sa ganitong time frame.

This is for practice purposes only.

Ang price action na nakikita natin sa kahit anong time frame monthly, weekly, daily, hourly, minute etc, ay pare pareho lang.




Kung titingnan natin ang image sa itaas, ang comparison ng price action ng dalawang time frame, isang 1 minute at isang daily chart. Kapansin pansin na halos magkaparehas lang ang movement ng dalawa. They move upward, downward and sideways.


If you are a swing trader, siguro ang time frame na madalas mong ginagamit ay daily chart.
Ngayon pagmamasdan mo ang daily chart ang galaw ng candlestick, ang mga indicators. But most likely you need more confirmation and you will wait for the next day.

Ganoon din sa hourly chart, you will need to wait for an hour to see the formation of the next candle.'

In high-frequency trading, hindi mo kailangan mag antay ng isang araw or isang oras para mabuo ang candlestick, you can watch it in seconds, or even in minutes.

In real-time nakikita mo kung paano nabubuo ang price action at mga chart patterns. Instead of waiting for them to form on a daily chart.

And by doing that you gain experience fast.

Napaka simple lang diba?

Yes, pero hindi lahat ng trader alam ito or ginagawa ito.

Karaniwan sa mga newbie traders, they jump into live account already, or  yung iba naman nag papractice muna sa demo account after 1-2 months they transition to live account and that's it.

Mag uundergo sila sa normal learning curve to become a good trader.

And it includes trial and error. Pero kung magagawa mo na mag practice in a consistent basis, kahit sabihin natin na matagal ka na nag tetrade, you can still gain more experienced.

Kaya naman yung mga scalpers(yung mga professional) ay mas nakalalamang pag dating sa
execution at pag calculate ng market, kaysa sa mga long term trader at swing trader.

Pero as a newbie, it is not ideal to do high- frequency trading and put your money here.


Parehas lang kung bakit hindi ka pwedeng mag maneho ng ferrari kung nag aaral ka pa lang ng driving.

Sa mga kadahilanan na hindi ka pa ready para ihandle ito at wala ka pa masyadong experience.

Katulad ng sinabi ko kanina, you have to do this for practice purposes only.

Pwede mong gamitin ang kahit anong indicator na gusto mo, you can draw lines and chart patterns.

At malalaman mo agad kung yung assumptions mo ba ay tama or mali.

Kailangan mo ito gawin in a consistent basis everyday.

Ideal ito sa mga taong busy, at walang time na tumunganga mag hapon sa computer.

Ang ginagawa ko I look for a 5 min chart and I imagine that this is my weekly chart, and I look for a 1-minute chart and I imagine that this is my daily chart.

I will observe them, during my free time. Pagmamasdan ko ang galaw ng market.

At sa ganitong paraan nakakapag gain ako ng experience.
Ang iba ginagawa ito sa much smaller time frame tulad ng 5 seconds etc. Depende sa iyo kung saan ka mas komportable.


It's like paper trading in a fast-paced environment. Maikukumpara natin ito sa pagbabasketball ng walang kalaban.

You will learn how to shoot, how to dribble, how to pass, you can improve your overall skill.
At kapag sumabak ka na nang may opponent sa tunay na laro, you can perform better. Kumpara sa player na hindi nag papractice.

Same thing with trading, kung gagawin mo ito consistently, mas makakapag gain ka ng experienced ng mas mabilis, kumpara sa ibang newbie traders na hindi ito ginagawa.