altcoinpinoy futures trading


So what the heck is futures trading?

As an investor and trader madalas natin ito naririnig or nababasa sa mga articles na finofollow natin to get updated sa  mga latest na pangyayari sa cryptocurrency world.

Lately, Binance launch a future trading sa kanilang platform and Bakkt launch a physically-settled bitcoin futures.

Pero mayroon ba tayong idea sa mga ito?

Karamihan sa atin wala naman background sa kalakalan ng traditional finance.

But this article will explain you about the basic idea of futures trading.

Futures


Isa itong kontrata at agreement sa pag benta at pag bili ng isang asset sa hinaharap na ang presyo ay napagkasunduan na. Ang trade ay nagaganap typically sa mga regulated exchanges like NYSE(New York Stock Exchange), CME (Chicago Mercantile Exchange) etc.

Sa futures contract may isang buyer at may isang seller na nagkasundo na ibebenta or bibilhin ang isang produkto at madedeliver ito sa napagkasunduang panahon. Pwedeng tumagal ito ng 1 month or 3 months depende sa regulations na ipinatutupad ng exchange.

Halimbawa, gusto kong bumili ng 100 sack of rice kasi nangangamba ako na tataas(long) ang presyo ng bigas sa loob ng tatlong buwan, at gusto kong makasiguro na mabibili ko ito ng mura sa presyo ngayon.

At ikaw naman ibebenta mo ang 100 sack of rice dahil iniisip mo na bababa(short) ang presyo ng bigas, at gusto mo makasiguro na bago pa ito bumaba maibenta mo na sa mataas na halaga.

Sa ganitong paraan mag kakasundo tayong dalawa sa fixed price ng 100 sack of rice at madedeliver din ito sa nagpagkasunduang panahon. Lahat ng detalye ay nakapaloob sa futures contract.

Ganito ang kalakalan sa traditional commodity trading, ang makipagpalitan ng produkto. Pero hindi lahat ng participant ganito ang motibo.

Binubuo din ito ng mga speculators at investors na sinasamantala ang pabago-bagong presyo ng market.

Ang isang speculator ay bibili ng Fuel sa pag aakala na tataas ang presyo nito sa loob nang tatlong buwan. At kapag tumama ang kanyang speculation, dahil nga may hawak syang kontrata, maibebenta nya ito sa mas mataas na halaga in the future.

Pero ginagawa ito ng speculator at investor to make money in the market, wala silang balak na maideliver sa kanila ang produktong binili nila, they will sell it before the contract expired.


And that is how future tradings work.

Pero ang futures trading ay hindi lang nangyayari sa commodities market. Makikita din natin ito sa iba pang market tulad ng ETF,Stocks, Bonds at pati na rin Bitcoin.

Ito ay available na rin sa iba't ibang crypto exchanges.
Maraming mga traders ang nahuhumaling sa futures trading kasi it offers a substantial position sa pag gamit ng margin at leverage.

Kung wala pa kayong idea sa margin trading at how leverage work. Pwede nyong balikan muna ang isa pang article dito about margin trading.

Margin trading is not recommended for beginners and future trading as well, and if you want to start trading with the futures, make sure that you are well versed in technical analysis, risk management at trading psychology.

So ngayon may idea na kayo how future trading works. Pero paano ito nangyayari sa cryptocurrency world?

Well, madali lang naman. Halos parehas lang ang sistema  katulad lang din ito ng example ko kanina.
A trader can put a long and short position with leverage in a futures contract.

Kapag sinabing long position it means na yung expectation mo sa asset ay pataas ang price, kapag sinabi namang short position, ang expectation mo sa asset ay pababa.

Kada exchanges may iba't ibang rules sa futures trading na inooffer, tulad ng margin requirements, leverage etc. make sure na basahin nyong mabuti ang mga patakaran na ito.


Conclusion


This is just a quick explanation kung ano ang futures trading, hindi ito guide how to trade futures. Simpleng explanation lang ito para sa mga naguguluhan sa pag kakaiba ng standard trading sa futures trading. Sa standard trading kapag bumili ka ng asset, pwede mo ito ihold kahit gaano katagal sa exchanges. Sa futures trading hindi mo ito pwede gawin, kasi may expiration ang kontrata na binili mo. Your position will be liquidated, whether you like it or not.