Trading scalping


It's been a while since I released an article about scalping.

And we all know na napakaraming strategy ang pwede natin gamitin sa trading.

In this article, I will give you a different style of strategy solely for scalping lang.

Napaka simple lang nito at madalas na ginagamit sa forex trading.

Syempre pwede din natin ito gamitin sa cryptocurrency trading.

Ngayon, umpisahan na natin.

Dalawa lang ang gagamitin natin na indicator dito, 200 Exponential Moving Average at Stochastic indicator.

Pwede tayong gumamit ng ibang indicator pamalit sa stochastic tulad ng RSI, it's up to you.

At dahil ang strategy na ito ay for scalping, ang magiging time frame natin ay 5 mins.


200 Exponential Moving Average



Siguro nagtataka kayo kung bakit 200 EMA, ang alam kasi natin madalas lang itong ginagamit ng mga long term traders para makita ang big picture nang market.

Pero magagamit din natin ito sa shorter time frame.

Ang purpose kung bakit ito ang gagamitin natin ay para makita kung ano ang trend ng market.

Kapag ang price ay nasa ibabaw ng 200 EMA, ibig sabihin ang market ay uptrend.
Dito tayo mag bubuy or put a long position.

Kapag naman ang price ay nasa ilalim ng 200 EMA, ibig sabihin ang market ay downtrend.
Dito tayo mag sesell or put a short position.



Stochastic



Ang stochastic ay isang uri ng oscillator para ma identify natin if the market is oversold or overbought, at ito ay mag bibigay sa atin nang palatandaan if this is the time to buy or sell.


Uptrend 






Tingnan natin yung example image sa itaas. Para tayo makapag enter ng long position, we have to make sure na ang candlestick ay tumatakbo sa ibabaw ng 200 EMA. Ito ang palatandaan natin na nasa uptrend momentum ang market.

Hihintayin natin na mag pullback ng kaunti ang price action, normally, nag bobounce ito sa 200 EMA na nag sisilbing  support. Pero kahit hindi nito mareach ang level ng 200 EMA, katulad ng nasa image sa itaas.

Kitang kita natin kung paano ito nag bounce pa itaas, nang mareach nito ang oversold teritorry sa stochastic.


Downtrend




Sa selling part naman or sa short position, we will only do this  kapag ang market ay downtrend, kapag ang candlestick ay tumatakbo sa ilalim ng 200 EMA at  ang stochastic ay lumagpas na sa 80 region.

We have to make sure that the position of stochastic is going down.

Kapag ganito na ang set up we can put a short position


Things to remember


Bago tayo pumasok sa trade, make sure na alam  na natin  ang target profit natin at stop loss.

I recommend a tight stop loss sa ganitong time frame. We are not looking for a larger profit here.

Make sure na gagamitin nyo lang itong strategy na ito sa trending market. Kasi hindi ito epektibo sa ranging market.

Why is that?

Kasi sa ranging market puro sideways lang ang nangyayari, at marami tayong mga false signals na maeexperienced, and we don't like that to happened. Ang ganitong strategy ay hindi profitable kapag ganito ang takbo ng market.

Better use other strategies or look for another asset to trade with.

At ganoon lang kasimple yung strategy  pero profitable naman if you know how to execute it properly. Always follow the rules of the strategy. And don't expect that it would work 100 percent of the time. Walang ganon.

Always remember simple is better than complex.