Altcoinpinoy Bullish Engulfing


Let's talk about price action.

Isa sa pinaka importanteng skill na kailangan matutunan ng isang trader is to spot a reversal.

In this article, aalamin natin kung paano gamitin ang isa sa pinaka popular na reversal pattern ang Bullish engulfing pattern.

Nagcoconsist lang ito ng dalawang candlestick, isang bearish candle at isang bullish candlestick.


Ang kailangan natin makita ay ang pangalawang candlestick na bullish at mas malaki sa unang candlestick which is bearish. Kaya ito tinawag na "engulfs".






Magagamit natin ito sa kahit anong time frame. Pero hindi dapat mas mababa sa 15 minutes.

Masyadong malakas ang market noise sa 5 minutes, so hindi ito magiging epektibo sa much lower time frame.


Mukhang napakadali lang.

Pero hindi sa lahat ng pag kakataon kapag may namataan tayo na bullish engulfing pattern sa chart ay mag lalagay na agad tayo ng long position.

May mga bagay din tayo na kailangan iconsider.

1. It should be on a support level.

2. Na break ang dating resistance level at nag sisilbing support level na.

3. Nasa uptrend at nag bobounce sa trendline

4. Nasa Fibonacci retracement level



Example image #1




This is one of a good example of a bullish engulfing pattern sa 1 hr chart ng bitcoin. 

Kung mapapansin nyo yung chart sa bandang kaliwa, ito ay nasa down trend. After ng bearish candle sinundan ito ng mahabang bullish candle (a bullish engulfing pattern). Na nagresulta sa uptrend bago nagkaroon ng consolidation.


Example image #2






Dito naman sa example image number 2 ng bitcoin sa 1 hr chart. Hindi masyadong nag tetrend ang market, and it has a little bit of trading ranges.

Pero kahit ganoon, kitang kita pa rin natin kung paano nag pupump si bitcoin, kapag nagkakaroon ng bullish engulfing pattern.


Paano tayo papasok sa trade?


Kailangan muna natin obserbahan ang galaw ng market kung ito ba ay malapit na sa support level or kung nasa uptrend market man tayo malapit na bang ma hit ng price ang trendline na may posibilidad na mag bounce.

Maaari din tayong gumamit ng Fibonacci retracement for the same reason.

Ito yung unang magiging confirmation natin for a bullish reversal, ngayon, kung may makikita tayong bullish engulfing pattern.

Mas mapagtitibay nito ang ating assumption, and we can enter a long position.

Of course, hindi natin pwede kalimutan ang stop loss. Kailangan bago tayo pumasok sa trade, alam na rin natin kung saan ilalagay ang stop loss.

Ang target profit naman, nakadepende na ito sa trader at sa takbo nang chart. It all depends on the trader strategy.


Is it working all the time?


No!

Katulad din ito ng iba pang mga chart pattern at strategy, na hindi sa lahat ng oras nag wowork.

But in the end, if you incorporate this easy reversal pattern to your trading strategy, it will help you to make a profitable trade.


Read more:


Candlestick chart patterns
Support and resistance
Trendline breakout trading strategy
Pullback trading
Momentum trading
Elliot wave
Fibonacci trading