Ang market hindi laging  pataas o pababa ang trend. In fact, 85 Percent of the time it move sideways.

As a trader, mayroon tayong dalawang options kung ano ang gagawin natin if the market is trading in ranges.

First, hindi tayo mag tetrade sa ganitong market or iiwasan na lang natin ito and look for any other market that we can trade. 

Second, gagamit tayo ng ibang trading strategy.

Trend following will surely not work on this kind of market. Kaya naman kailangan natin gumamit ng ibang trading strategy, kung gusto talaga natin mag trade.

At ang isa sa trading strategy na magagamit natin ay ang band trading.

So what is band trading?

Ang band trading ay isang strategy na effective in any market conditions, magagamit ito kapag ang market ay nasa trading ranges or kahit ang market ay nag tetrending going uptrend or downtrend.

Simple lang naman ang rules ng strategy na ito. You have to buy the bottoms and sell the tops of range.

Ito ay dahil sa paniniwala na ang price action ay nag bobounce na parang goma from top to bottom.

Ang nangyayari kasi dito ang  price ay nag reretrace matapos mag stretch, it will go up and down within the band. At dahil paulit ulit lang ang nangayayari, a good trader can see a pattern and exploit it.



May tatlong uri ng bands


Channels
Static bands
Dynamic bands


Ang pinaka kilala sa channels category ay ang donchian channels. Ito ay isang market indicator nag coconsist ng upper channels at lower channels na typically defined by a single price. Ang dalawang channel na ito ay stationary and redefined. This is one of the break out indicator na makikita natin sa mga trading platform. Ito ay kadalasan ginagamit ng mga break out traders.

Ang static bands naman ay nagcoconsist din ng upper and lower band na may central basis line. Yung nasa gitna nito ay kadalasan simple moving average na naka set sa 20.

Sa dynamic bands naman, ang set up nito parang static bands lang din. May basis line din ito na simple moving average at may upper and lower bands na naka set sa standard deviation. Ang pinaka popular na dynamic bands na ginagamit natin ay ang Bollinger bands. Ang standard deviation ay statistically ginagamit para maquantify ang volatility.

Quick overview lang naman ito about bands. Hindi ko na kailangan iexplain pa ito in details. I will cover donchian channels sa mga susunod na article.

Sa static bands, wala naman masyadong gumagamit nito, so I will not focus on this. But in this article, mag fofocus lang tayo sa dynamic bands.

How to trade using bands


May dalawang paraan para tayo makapag trade gamit ang band trading, ito ay countertrend entries at retracement entries

Kapag sinabing countertrend entries, mag eenter tayo ng short position once na mahit nito ang upper bands at long position kapag na hit nito ang lower bands. A simple buy low, sell high set up.

Contradict sa mantra na the trend is your friend.







Sa retracement options naman, you just simply wait for a pullback sa lower band or upper band, before you enter a position.

Ang idea ng strategy na ito ay kapag nakabuy ka na sa lower bands, hihintayin mo na umabot ulit ang price sa higher bands. At pwede mo ireverse ang iyong position and short the top. Sa ganitong set up you will have a profitable long trade followed by a profitable short trade. 

Easy!

But the thing is, hindi ito ganoon kadali. Dahil hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari sa market. Just expect the unexpected. 

Maraming pag kakataon na kapag na hit ng price ang lower band, hindi ito nag bobounce paitaas, it will continue to drop and will hit your stop. Minsan naman hindi nito nahihit ang upper band nasa kalagitnaan pa lang nag pupullback na ka agad.

So you have to accept na ang expectation mo sa market ay hindi laging mangyayari.


Pros of band trading


Ang kagandahan sa band trading ay magagamit ito in any market conditions, unlike trend following at iba pang mga trend trading strategy, na hindi magandang gamitin sa trading ranges.

It works in up,down and sideway market. Hangang mayroong sapat na volatility na mag poproduce ng usable bands. This strategy will work.


Cons of band trading


Ang strategy na ito ay mas applicable sa short term trading for scalpers and day traders. Band trading is not looking for a big profits. Kaya naman kung isa kang swing traders or position trader, may iba pang mga trading strategy na mas nababagay gamitin.