Doji


Hindi mo kailangan pag aralan lahat nang candlestick para maging isang profitable traders.

Pero kailangan mong pag aralan yung mga importante.

In this article, pag usapan natin ang Doji candlestick.

Isa sa pinaka misunderstood, but one of the essential.

Ano nga ba ang Doji candlestick?

Ang doji ay salitang Japanese na ang ibig sabihin ay "Hesitate."

Kaya din ito ay tinawag na indecision candlestick. It means ang buyers at sellers ay parehas nang lakas, at walang komocontrol sa market.

Madalas natin nakikita ang doji sa mga chart, para ma identify kung isa itong doji candlestick ay base sa anyo nito.


Sa Doji candlestick halos wala kang makikitang body dito. Ang opening price at closing price ay parehas or halos parehas lamang


Doji



That is a simple example of a Doji.


Karamihan sa mga traders itinuturing itong reversal candlestick, kaya naman kapag nakakita sila ng doji sa uptrend market, they put a short position.

Trend reversal nga sabi nila, let me put a short position.

Well, good luck.


Hindi sa lahat ng pagkakataon ito ay magsisilbing reversal candlestick. Depende kung saan naka pwesto ang Doji candlestick.

May iba't ibang uri ng Doji candlestick, and I will explain all of them.



Doji candle


Doji Star



Doji star

Ito lang ang alam na Doji ng karamihan, ang morning doji star (bullish) at evening doji star (bearish).

Ang morning doji star ay madalas natin makikita sa dulo ng downtrend. It means nag kakaroon na nang control ang buyer side at nagpapahiwatig na ng possible reversal. Therefore, we can enter a long position.

Sa evening doji star naman ito ay madalas makikita sa dulo ng uptrend, or kapag tumama na ang price sa resistane level. Ibig sabihin nagkakaroon na nang exhaustion sa panig ng bulls, at malapit ng makontrol ng bear ang market. A bearish signal, and we can put a short position


Dragonfly Doji



Dragonfly doji


Napaka rare na makakita tayo ng Dragon fly Doji sa chart na halos equal ang opening price at closing price, ang madalas natin makita ay may maliit na body pero may mahabang low wick.

Kaya nag kakaroon ng mahabang lower wick ang Dragon fly Doji candlestick dahil sa lakas buying pressure. Ibig sabihin nang mag open ang market malakas ang selling pressure kaya ito naitulak paibaba, pero hindi nagtagal bago mag close ang market naitulak ito ng buyer side paitaas. Kaya nag end ang price na halos kaparehas lang ng opening price nito.


What could that mean?

Mas malakas ang buying pressure sa area kung saan nag pakita ang dragon fly doji na nangyayari madalas sa support level. Ito ay isang sign na pwede tayong mag enter ng long position.



Gravestone Doji



Gravestone doji


Kung ang Dragon fly doji ay bullish, ang Gravestone Doji naman ay bearish.

Ang mahabang wick nito sa itaas ang nagsasabi na malakas ang selling pressure dito. Madalas itong nangyayari kapag na hit ng price ang isang resistance level.

Sa opening price naitulak ng mga buyers ang price paitaas, pero hindi nagtagal mas lumakas ang selling pressure na nag resulta sa pag balik nito sa opening price at dito rin nag close ang price.

Pahiwatig na nasa control ng bear side ang market.


Long-legged Doji



Long legged doji


Dito naman sa long legged doji, kaya ito nabuo kasi nagkaroon ng control ang both side. Ang mahabang wick sa magkabilang panig nang paglalaban ng bears and bulls at wala rin naman  nanalo sa bandang huli.

Mataas ang volatility habang nabubuo ang long legged Doji at expected ang consolidation phase or low volatility pag katapos nito.

Kahit saang parte ng chart nabubuo ang long legged doji, pero ang papansinin lang natin ay ang mga importanteng level, tulad ng support and resistance, trendlines, fibonacci retracement at price confluence.

It could go up or down, pero ang the best way to trade it, is just wait for the break out. Break out ng high wick for a long position, and break out ng low wick for a short position.


Four price Doji


Four price doji



Ang four price doji ay nabubuo dahil sa low volatility. Masyadong mababa ang volume at volatility, it means walang interest ang mga traders mag trade sa ganitong market.

Napakaliit ng body ng candlestick na ito at walang wick sa magkabilang panig.

Kapag nakakita tayo ng ganito sa isang market, wala tayong gagawin kung hindi iwasan ito. Wala tayong mapapala sa ganitong klaseng market, mas mainam na humanap na lang tayo ng ibang market to trade with.

As a trader, we should always look for high volume and high liquidity market.


Conclusion


Ang doji ay nagpapahiwatig ng indecision ng market, pero ang lahat ng ito ay may ibig sabihin. Ang bawat candlestick formation na nabubuo at may mga storya itong gustong ipahatid sa atin. Kung nauunawaan natin ang mga simpleng bagay na ito, mas maiintindihan natin ang takbo ng market at nang sa ganoon tayo ay makapag desisyon dito ng naaayon sa price action.


Read more:

Candlestick chart patterns
Support and resistance
Trendline breakout trading strategy
Pullback trading
Momentum trading
Elliot wave
Fibonacci trading