false breakout



Isa ka ba sa mga trader na nabiktima ng false break out?

Well, wag ka mahiya, marami tayong nabiktima na nito. 

Isa ako sa madalas makaranas nito noong nag uumpisa pa lang ako sa trading.

Kapag nakakita ako ng long bullish candle that broke the resistance, I will surely jump into the trade, 

Kasi nga iniisip ko ayoko ma missed ang rally na ito.

Well, guess what? I got stopped out.

And that is normal for newbie traders.  False break out and whipsaw are part of the game

Sa totoo lang hindi natin maiiwasan ito, 

but we can minimize it if we have a better understanding of the market structure and false break out.

Pero bakit kaya tayo madalas mabiktima nito?

Dahil sa excitement, and we don't want to miss the rally.





Kapag nakakita tayo ng break out sa resistance at mahabang green candle. Automatic ang iisipin natin, this is bullish and its time to buy.

But this idea is wrong!

Hindi ka makakasakay sa tumatakbo na tren. 







Tingnan na lang natin yung example image sa itaas.

A huge bullish candlestick na siguradong aakit sa maraming traders.

Kung mag eenter ka man sa trade na ito san mo ilalagay ang stop loss mo?

Malamang hindi ka maglalagay ng stop loss or gagawin mo lang itong random. 

And surely you will be stopped out for a slight correction.

Kung mag lalagay ka man sa swing low doon sa pinaka ibaba, na napakalayo sa entry point mo.

Which is not a really good idea of risk management.

So ang una natin kailangan gawin ay to stop chasing the rally.


But how do we trade breakouts then?



Strong momentum


Titingnan natin yung lakas ng bull side or bear side sa pamamagitan ng price action.

Kung nagpapakita ba ito ng strong momentum.

Hindi ibig sabihin kapag na break ang resistance, papasok ka agad for a long position.

Kasi hindi pare parehas ang lahat ng break out.

The market should show a sign of strength before the breakout.




Halimbawa, ang price ay paunti unting lumalapit sa resistance at makakakita tayo dito ng higher lows.
Parang may formation ng ascending triangle.

Isipin mo habang papalapit ang price sa resistance, it will be rejected somehow, kasi may mga sellers pa rin dito. Pero when it bounce, mag foform na naman ito ng higher price.

So ang ibig sabihin maraming mga traders and investors ang willing to buy a higher price.

Kapag ganito ang nangyari, masasabi natin na malakas ang buyer side, a sign of strength.  Ito yung mga tipo ng breakout trades na gugustuhin mo.


At makikita nyo naman ang pagkakaiba ng breakout na ito sa example image natin kanina.
Ang isa pang technique is to wait for a first pullback, kung ang dating resistance level ba ay magiging support.



Calm before the storm


Another thing is yung calm before the storm.

Usually ito yung tight consolidation na nakikita natin sa mga charts.

When I said tight consolidation, yung formation ng candlestick ay maliliit.

Hindi ba kapag gumagamit tayo ng bollinger bands, nagcocontract ito kapag nagkakaroon ng tight consolidation?

The idea is the same, at kailangan makakita tayo ng tight consolidation na namumuo sa resistance level or support level.




A good example is yung image na nakikita natin sa itaas, this is bitcoin daily chart with a descending triangle formation. 

Makikita natin yung tight consolidation na nangyari sa bitcoin sa bandang dulo ng descending triangle. 

Hindi na maka angat pa ang price ng btc ng mga panahong ito. Naglalaro lang ito sa price level na $6,000 to $5,800. Napakababa din ng volume kasi walang masyadong nagpaparticipate na mga traders. At nangmabasag ang support level, nagpatuloy ito sa pagbaba hangang sa $3,100 level.

Anyway, katulad nga nang sinabi ko kanina, hindi natin ito maiiwasan.

Ang pinaka the best pa rin is to have proper risk management.

Ang strategy na ito ay applicable sa lahat ng time frame. So kung isa kang scalpers at nag tetrade ka sa lower time frame, this strategy will work also for you.

Pero kailangan mo mag adjust kasi sa lower time frame, mas mahahaba ang candlestick at consolidation. Kung ano man ang nakikita natin sa higher time frame, makikita din natin yun sa lower time frame. 

Gets?

Alright, that's it. I hope may natutunan ulit kayo sa strategy na ito, alam ko maraming nagtatanong kung paano makakaiwas sa false breakout. At sa aking pag sasaliksik this is the best way to do it.

Katulad nga nang lagi kung sinasabi, if you like this article I would really appreciate it if you can share it with your friends and people who want to learn how to trade.

Enjoy trading!