Swing trading


Isa sa mga una kong article na naisulat dito sa altcoinpinoy ang swing trading strategy. It covers all of the basic components of swing trading. 

Kung hindi nyo pa ito nababasa just click this link.

In this article, aalamin natin ang iba pang mga technique na magagamit sa swing trading.

So what is swing trading again?

Ang swing trading ay isang uri ng trading strategy na ang kailangan mo lang gawin ay makasabay sa one move or one swing.

A good example is you buy on support and sell on resistance. 

You get the idea.

Altcoinpinoy swing trading



Ang swing trading ay angkop sa mga taong medyo busy at walang time masyado para panoorin ang market from time to time.  

Less stressful din ito kumpara sa day trading,  ang isang trade ay pwedeng magtagal ng mga ilang araw o ilang linggo. 

Pero it has an overnight risk,  meaning ang trade position mo ay maaring mag resulta sa pagkatalo habang ikaw ay natutulog. 

And because you are doing a swing trade, hindi ka makakapag ride sa trend.

Anyway, wala naman perfect strategy or holy grail sa trading ang bawat trader ay may kanya kanyang style na binabagayan. 

Kung ang passion mo ay day trading or scalping, then stick with it. 

Hindi mo kailangan baguhin ang style mo dahil may nakita kang bagong strategy. At kagaya nga ng lagi kong sinasabi, gamitin mo ang strategy na babagay sa personalidad mo.


Swing trading sa trading ranges


Kapag ang market ay moving sideways ang galaw ng price ay pataas at pababa sa loob ng support and resistance. Ang ibig sabihin nito nasa trading ranges tayo.

So how does it look?




Madali lang itong gamitin, ang una natin kailangan gawin ay humanap ng market na nasa trading ranges. 

The price is moving sideways, pero nakakulong sa parang isang kahon ng support and resistance. 

We have to make sure na may sapat na volatility ang market na nasa trading ranges before we may consider entering a position.

Ang idea dito is to buy low and sell high. Bibili tayo kung ang price ay nasa support and we will sell it kapag tumama na sa resistance. 

Remember the concept of swing trading?

We just need to capture the one move or one swing.


Swing trading sa Moving average or Trendline



Halos kaparehas lang ito ng sa support and resistance sa trading ranges, pero gagawin natin ito kung ang market ay nag tetrending, meaning uptrend or downtrend.

We will enter a position sa pullback.

Kapag nasa uptrend or downtrend ang market, madalas mag karoon ng pull back at ito ang aabangan natin.

Paano ito ginagawa?

We will use a moving average or trendline.

Sa moving average ang pinaka epektibong gamitin ay ang 50 Moving average.




Why?

Well, ito kasi ang ginagamit ng karamihan, so kung pare pareho tayo ng iniisip pwede ito mag resulta sa expectation natin.  

Kasi marami  tayong maglalagay ng long position sa area nang 50 moving average, that would result for an uptrend.

Pero we can always adjust the length of moving average depende sa preferrence natin, guide lang naman yan.

Personally, mas ginagamit ko ang trendline kaysa 50 moving average sa swing trade na ganito.

Pero parehas lang naman silang effective.

Kapag ba tumama na ang price sa 50 Moving average mag eenter ka na  agad ng long or short position?

No!

You should always wait for a sign of reversal. I cover several articles about candlestick reversal na pwede nyong magamit dito.


Countertrend swing trading


Ang ibig sabihin nito, hindi ka sasabay sa crowd and you will do a counter trend or salungat sa trend ng market.

Let me give you an example of a counter-trend sa swing trading.



Halimbawa, ang trend ay paitaas, karamihan ng mga traders ay bullish tinutulak nila ang price paitaas, ito yung crowd ng mga bullish traders. Mas marami sila at mas malakas ang control nila sa market.

As a counter trader you will go against the trend instead of long you will enter a short position. Which is against with the trend na nag uuptrend, kaya tinawag na counter trading.

Ang trabaho ng swing trader is just to catch the swing, hindi ka totally makikipag matigasan sa crowd.

Sasamantalahin mo lang ang correction ng market, and you will exit right away.

You will only enter kapag napansin mo na may malakas na price rejection, at mag take agad ng profit once na ma hit na ang swing low or swing high, sa posibilidad na mag trend na ulit ang market.


That's it. 

This strategy is really effective. 

Kung isa kang swing trader or nagbabalak pa lang maging swing trader,  for sure makakatulong sayo ang strategy na ito. 

And don't forget to use a stop loss for this strategy. Masyadong volatile ang cryptocurrency market so kung isa kang swing trader you should never use a tight stop loss, kung ayaw mong ma stopped out nang mas maaga due to market noise.

Better use a wider stop for this strategy.

If you liked this article and learned something new, I will surely appreciate if you could just share this with your friends or any people that want to learn how to trade.