Altcoinpinoy


Nalilito ka pa din ba kung anong trading strategy ang gagamitin mo?

Let me introduce you to the 3 EMA crossover trading strategy.

Katulad lang naman ito ng iba pang mga trading strategy.

But the good thing about this strategy is its simplicity.

Remember complex trading strategies are not always the best.

Minsan kailangan lang natin simplehan.

Basic pero yet effective. If you know how to use it.

I will explain later kung paano gamitin ang strategy na ito.


Ano ang benefits na makukuha natin sa triple moving average strategy?


1. Gamit ang triple moving average  makakatulong ito sa atin para malaman ang direction nang market long-term man or short-term.

2. Sa short term-trend makakapag desisyon tayo kung mag tetrade ba tayo with a trend or counter trend.

Just things to remember moving average is a lagging indicator.

So don't expect na sa lahat ng pag kakataon ma titimingan natin ang tops and bottom ng market.


Triple moving average


9 period EMA
21 period EMA
55 or 50 period EMA


Ang 55 period EMA ay kinoconsider natin as a longer-term trend direction indicator

Kapag ang 55 EMA ay nasa ilalim ng 9 at 21 period. Masasabi natin na we are on an uptrend market.

Kapag naman ang 55 EMA ay nasa itaas ng dalawang short-term moving average—then masasabi natin na we are on a down trend market.



Uptrend scenario


Altcoinpinoy


Ang 21 EMA ay kinoconsider natin as a medium term trend indicator.

Para maidentify natin if the market is going up on a medium trend.  Ang 21 EMA ay kailangan nasa ilalim ng 9 EMA

Kung pababa naman makikita natin ang 21 EMA sa itaas ng 9 EMA period.



Downtrend scenario


Altcoinpinoy

Ang 9 EMA period ay  kadalasan makikita na nag cocrossover  and under sa 21 period.

Ito ay nangyayari din sa 55 EMA, but not very often.

Kapag ang 9 EMA ay nag crossover sa 21 EMA.

Habang ang dalawang ito ay nasa ibabaw ng 55 EMA. This is a sign of an uptrend, and we can look for a buy trade.


Kapag naman ang 9 EmA ay pumailalim sa 21 EMA.

Habang ang dalawang ito ay nasa ilalim na ng 55 EMA. senyales ito ng downtrend, and we can look for a sell trade.



Trading strategy with triple moving average


Karamihan sa mga traders they just trade with the crossovers.

Pwede naman, kaya lang expect a lot of whipsaws.


Kaya I would suggest using a different approach.

Basahin natin ang estado ng market gamit mismo ang moving average.


1. Kapag ang indicators ay hindi malaman kung saan pupunta or jumbled. we can consider  that the market is trading in range.


2. Kapag ang mas mabilis na moving average ay lumayo ang agwat sa iba pang kasama nitong moving average, masasabi natin na there is a momentum entering on the market.


3. Kapag nakita natin na nag crossover ang 9 and 21 EMA at lumayo ang agwat nito sa isa't isa, maari tayong makakita ng trending market.

4. If all 3 moving average line up, ibig sabihin strong trend comes into play.


Ang mga bagay na ito ang magbibigay sa atin ng idea kung anong trading set up ba ang gagamitin natin sa pag pasok sa market.



Long position


Altcoinpinoy


This is a BTC/USD pair on a 4hr time frame.

Madami tayong variations na pwedeng tingnan at idagdag how to enter a trade gamit ang triple moving average strategy.

Nariyan ang breakouts, momentum, price action, etc. It's all up to you.

But here's how to do it using triple moving average.

1. Sa long position ang titingnan natin ay ang line up in the same direction ng tatlong moving average 9,21,55. Dapat nakaposition ito paitaas.

2. Secondly, pagkatapos mag crossed ng 21 at 55 EMA.

Kailangan natin tingnan ang galaw ng candlestick if there is a momentum for an uptrend and market structure.

Sa example image na ginamit ko, it shows a strong momentum kasi hindi agad ito nag pull back and it breaks the last swing high.

So it's really a good sign for a long position.


Short position

Altcoinpinoy


Dito naman sa example image for a short position.

Halos parehas lang ng strategy.

Titingnan natin yung line up ng tatlong moving average paibaba.

Dapat naka downtrend position sya.

Kapag nag crossed under na ang 21  at 55 EMA. We should observe.

Kailangan nasa ibabaw ang 55 EMA para masabi na pa downtrend na nga ito.

If you take a closer look sa example image natin. 

Bearish talaga sya.

Why?

Although nasa trading range ang galaw nito bago bumagsak.

Nanatiling nasa ibabaw ang 55 EMA. Kahit makailang ulit mag cross ang 9 EMA dito.

We should always wait for a cross between 21 EMA at 55 EMA.

But wait.

Parang napansin ko nag cross nang bahagya ang 21 EMA at 55 EMA.

Yes, it did.

And it was a false signal.

Ano nga ulit ang mga dapat natin iconsider before entering a long position gamit ang triple moving average? 

It crossed a bit. But lack of momentum and the market structure is still bearish.

Kaya naman it fails, at bumulusok paibaba.


Stop loss and take profits.


Hindi ko na ito masyado ipapaliwanag, because I already explained it before. Parehas lang naman ang diskarte. 

You could either go for a trailing stop or standard stop loss.

Always put your stop loss kung saan maiinvalidate ang trading strategy mo.

Kindly check my Trade exit strategy here.


Conclusion:


This is just simply a trading strategy but really effective. 

Ang laging nagiging problema lang naman sa moving average ay ang pagiging lagging indicator nito.

Pero ang kagandahan dito we can judge the momentum base sa layo ng agwat ng moving averages.

Dahil gumagamit tayo ng tatlong moving average mas mabilis din natin maidentify if the market is trending or trading in range.

In other words

Kapag nakakita tayo ng seperation between moving averages, we have a trend

Kapag  naman ang price ay whipping back and forth sa moving average, we have a range.

Samahan mo lang ng simple trade management, and you're good to go. And have an edge with the market.

If you like this article and you learn something new. I would appreciate if you could share this with your friends and people who want to learn how to trade.

Happy trading!