Altcoinpinoy


Bakit nga ba tayo pumasok sa trading?

Well, isa lang naman ang nakikita kung dahilan.

Financial Freedom.

Wala tayong balak magtrabaho para sa iba habang buhay.

We are much more like an entrepreneur.

Pagkatapos natin mag desicion na gusto natin maging isang ganap na trader.

We try to learn everything that we can.

We read trading books, articles, watch youtube videos at umattend ng mga seminar about trading, etc.

Pero after a year or so, sabihin natin na tatlong taon na ang lumipas, ngunit hindi pa din tayo profitable traders.

Bakit kaya?

Remember kagaya ng lagi kung sinasabi.

Trading is like a business.

Kung hindi mo alam kung paano maging successful sa business mo, kahit gaano pa katagal ang gugulin mo dito hindi ka makakakuha ng magandang resulta.

Just like in trading.

But the good thing is, I will show you how to become a profitable trader and act like a pro trader in a simple step by step method.

Excited ka na ba?

Good!


Una sa lahat ang kailangan muna natin maintindihan ay ang Law of large number. 

Ano ang ibig sabihin nito?

Ayun kay Wikipedia:

In probability theory, the law of large numbers (LLN) is a theorem that describes the result of performing the same experiment a large number of times. According to the law, the average of the results obtained from a large number of trials should be close to the expected value and will tend to become closer to the expected value as more trials are performed.

Gets?

Simplehan lang natin.

Kinakailangan mo ng large number of trades para malaman mo kung may edge ba ang trading strategy na ginagamit mo.

Siguro at least mga 100 trades. Yan na yung minimum sa law of large number.


So what does it mean?


Kung gusto mo malaman kung profitable ka every day, you need 100 trades a day.

Kung gusto mo malaman kung profitable ka every week, you need 100 trades a week.

Kung gusto mo malaman kung profitable ka every month, you need 100 trades a month.

Easy.

Sabihin natin na isa kang day trader, at nag tetrade ka lamang 3-5 times a day.

Kailan mo malalaman kung profitable ba ang trading strategy na ginagamit mo? 

Mga after 2-3 months.

Kung swing/position trader ka naman at nag tetrade 5-15 times a month. 

After a  year or so, malalaman mo na kung may edge ba ang trading strategy na ginagamit mo.

Ibig lang sabihin, the more trades na ginawa sa mas maikling panahon—mas mabilis mong malalaman kung ang strategy na ginagamit mo ay magbibigay sayo ng edge sa market.

Pero kung walang edge ang trading strategy na ginagamit mo at marami kang ginagawang trades, mas mabilis din nito uubusin ang puhunan mo. Yikes!

Well ganoon talaga.

Kapag naintindihan mo ang mga bagay na ito, you will be ahead to most self entitle traders out there.



Hanapin ang style mo sa trading






Kung mapapansin nyo marami trading strategies na nakasulat dito sa Altcoinpinoy.

Kasi hindi lahat ng mga traders ay pare-pareho ng trading approach.

Mag kakaiba tayo.

Pwedeng magaling ka sa day trading at mahina naman sa swing trading or vice versa.

First thing na kailangan mo alamin ay kung anong trading style ba ang naangkop sayo.

Sabihin natin na bagay sayo ang pagiging isang day trader, kasi medjo aggresibo ka at kayang ihandle ang roller coaster ride ng market sa ganitong time frame.

Ang susunod na gagawin mo ay mag focus sa day trading.


Books


Bumili ka ng mga books about day trading, or magdownload ka ng mga free books sa internet marami dyan.

Pero make sure na icheck mo din yung mga reviews ng mga books na gusto mo basahin.

Kapag maganda ang mga reviews then go for it.


Youtube


Syempre manunuod ka din ng mga day trading tutorials sa youtube, maraming magagaling na nagkalat dyan. Mag subscribe ka lang sa kanila.


Google



Hindi lahat ng mga traders may youtube channel kagaya ko. I don't have youtube channels.

Kaya naman you can always try to search for a day trading article.

Maraming mga topics about day trading at makakakuha ka ng mga magagandang information.


Social media


Marami din mga experienced traders sa social media, pwede kang sumali sa mga group.

Make sure na ang sasalihan mo ay grupo ng mga traders at hindi mga scammers.


Ngayon after mo magbasa ng libro at manuod ng mga tutorials.

Mas mainam kung isusulat mo or isasave ang mga bagay na natutunan mo dito. Para ma track mo din yung ibang bagay na hindi mo pa alam.


Trading plan





What is your trading plan?

Well, I will buy on support and sell on resistance.

Buy the dips!

Is that a trading plan?

No!

Let me give you an idea kung paano gumawa ng trading plan.

But before that, ano ba ang benepisyo na makukuha natin dito?


Makakapag focus tayo sa ating trading goals.

Magkakaroon ng objective ang ating trading.

Malalaman din natin ang mga bagay na nag wowork sa ating trading strategy at hindi.

Mababawasan natin ang roller coaster experience sa trading.

Paano gumawa ng trading plan?


May mga katanongan muna tayo na kailangan sagutin bago tayo makagawa ng sarili natin na trading plan.


Ito ang mga sumusunod:


Ano ang iyong time frame?


Kailangan mo maidentify kung anong time frame ka komportable mag trade.

Kung isa kang swing trader ang malamang na time frame na ginagamit mo ay 4 hour or daily time frames.


Anong market ang papasukin mo?


Karamihan ng mga traders na nagbabasa dito ay nasa cryptocurrency market.

However, this idea is also applicable to any market. Forex, stocks, commodities, etc.

Saan mo ba gusto mag trade spot or futures?

Just ask your self kung saan ka komportable.


Gaano kalaki ang kaya mo irisk per trade?


Isa sa pinaka importanteng bagay sa pag gawa ng trading plan.

Ang risk management.

Gaano ba kalaki ang kaya mong ipatalo on a single trade?

1%? 2%? or 3%. Depende sa kakayahan at sa risk appetite mo.

Ibig sabihin kung mayroon kang $10,000 account, hindi dapat lalagpas ng $100 dollar ang iririsk mo on each trade.


Ano ang trading set up conditions na gagamitin mo?


May mga requirements tayo sa pag gawa ng trading set up.

Trade with the trend or trade within the range, or a mixture.

Karamihan they trade with the trend.

Kung baguhan ka pa lang, you can stick first on trading with the trend.



Paano ka mag eenter sa trade?


Mag eenter ka ba sa pullback or breakout? Ano gagamitin mo limit, stop, or market order?


Saan ang iyong stop loss?


Remember you should act like a Professional Trader.

Sa pagkaka alam ko walang Professional trader na hindi gumagamit ng stop loss.

Lagi mo tatandaan.

Where will I get out if I'm wrong?


Saan ang target profit mo?


Kapag naman ang price movement ay pumabor sayo saan ka eexit para mag take ng profits?


Example of a trading plan


Ang purpose ng example na ito ay para magkaroon kayo ng idea.

Pero this is just a random thought na naisip ko para mas maiexplained ko ng mabuti.


Gamit tayo ng "If and Then" syntax.

If magtetrade ako, then I will trade only on BTC/USDT and ETH/USDT (Market kung saan ka mag tetrade)

If magtrade ako ng bitcoin, then my time frame would daily chart (timeframe traded)

If the price is above 200 ema on daily, then the trade is bullish (conditions)

If the trend is bullish, then I will enter only a long position sa area ng support. (conditions before entering a trade)

If the price oversold on RSI and the price close higher, then enter long (entry)

If long position, then place stop loss below support and take profit at swing high (conditions of exit)


I would not suggest na gayahin nyo ang trading plan na ito.

Kasi hindi ko naman na try yan, its just an example how to create a trading plan.

Guide lang para makagawa kayo ng sarili nyong trading plan base sa strategy na ginagamit or nakasanayan nyo na.

Kapag nakagawa na kayo  ng sarili nyong trading plan. Follow it consistently.


Execute your trading plan 


Kapag natapos mo na ang trading plan mo.

Its time to take it into action.

You could try it on a paper trading for practice purposes.

Pero kung kaya nyo naman mag laan nang kahit kaunting kapital to start on a live acccount, mas okay.


May limang bagay na pwedeng mangyari kapag nag tetrade tayo


1. Walang talo walang panalo (breakeven)
2. Maliit na panalo
3. Malaking panalo
4. Maliit na talo
5. Malaking talo

Kung magagawa mong ma eliminate ang number 5 there is a good chance for you to become a profitable trader.


Pero bago ang lahat. This is a MUST!

Kailangan mo iexecute ang trading plan mo consistently.

Kasi kung mag tetrade ka base sa iyong emosyon at hindi mo sinunod ang ginawa mo na trading plan.

Mababalewala lahat.

Hindi mo malalaman kung may edge ba sa market ang trading plan na ginawa mo.

Isa pa na dapat mo na tandaan. Hindi mo pwedeng baguhin ang trading plan mo kung sakali man na makaranas ka ng few losing trades.

Kailangan mo pigilan ang emosyon mo na baguhin ito.

Kasi matetempt ka talaga.

It means,  kailangan mo ma abot ang minimum na 100 trades sa live account, bago mo masabi na working ba ang ginagamit mo na trading strategy.

Law of large number diba?


Records your trades


Hindi sapat lang na makapag trade tayo.

Kailangan din natin itrack ang lahat ng trades.

At ito ang mga metrics na kailangan natin irecord.

Madali lang ito gawin sa excel, just follow this format.


Date- Kung anong araw at oras ka nag trade. Entry date at closed date to be exact.

Time frame- Time frame na ginagamit mo daily charts, 4 hour or 1 hour etc.

Setup- Swing trading, day trade, scalp or position trading

Trade size- Yung size ng position mo 5% or 10% or so on and so forth.

Long/short- Direction ng trade mo

Price in and price out- Price entry point at exit point

Stop-loss- Price kung saan ka nag exit when you're wrong

Profit and Loss - A calculated percentage of your profit and loss.


Let me give you an example of a Trading Journal looks like




Isang magandang halimbawa ng trading journal ay ang image na nakikita nyo sa taas.

Halos kaparehas yan ng trading journal na ginagamit ko.

This is an actual trades by the way at ako ang gumawa nyan. Pero hindi ko trades yan, galing yan sa isang trading group na nagbibigay ng premium signal.

Those people are my friends. Pero, I don't endorse them, kasi ang focus ng Altcoinpinoy is to help traders to thrive and become a profitable trader on his own.

Baka malito kayo sa target hits. Target hits mean kung ilang target profit ang na hit after the completion of the trades.

Kung mapapansin nyo may 5,2,1 etc. TP1 means target profit 1 at umaabot ito hangang target profit 7. Tinago ko lang yung ibang column for simplicity of the example.

Pwede nyo itong gayahin at imodify, depende sa inyong preference.


Screen capture your charts


Makakatulong ito for future reference.

Paano isave ang mga trades mo?

Madali lang.

1. Save mo yung chart ng higher time frame

2. Save mo yung chart kung saan ka nag enter

3. Save mo yung chart after the trade is completed


Chart of higher time frame




Ito kasi yung time frame na magbibigay sa atin ng bigger picture.
Depende na lang siguro sa style mo nang pag tetrade. 

Normally, 1 time frame above. 

Let say lagi kang nag eenter sa daily chart, so ang higher time frame mo ay weekly chart.


Ano ang titingnan mo sa higher time frame?


Trend
Support and resistance
Market Structure



Chart of entry time frame




Ito yung chart kung saan ka papasok.

Dito mo hahanapain kung saan ang entry point mo at stop loss.

Ano ang kailangan mo isa alang alang?

Trade set up
Entry
Stop loss
Profit target


Chart of the completed trade




Pag natapos na yung trade ito ngayon ang mga bagay na kailangan mo itangong sa sarili mo.

Did you follow your trading plan?

Ano ang profit/loss mo?

Paano ka nag exit sa trade? Stop loss ba or profit targe reach?

Are there any opportunities?


Pag katapos nito ano ang susunod?


Let say na follow mo na ito lahat at naka kompleto ka na ng 100 trades.

Ngayon ma rereview na natin kung may edge ba ang trading strategy na ginamit mo sa market.

Paano ito gagawin?

Sa tulong ng positive expectancy.

Kung hindi nyo pa alam kung paano ito kuhain. I have a separate article about positive expectancy. You may check it here.

Kung ang result ay positive expectancy, Very good!

Ibig sabihin ang trading strategy na ginagamit mo ay may edge in the market.

And that would help you to be a profitable trader consistently.

Now, what if its negative expectancy?

Then you should need to change or remodify your trading strategy.

Ganoon talaga, kailangan mo ulit ito itest.



Tips:

Trade with the trend

Set up proper stop loss based on market structure

Removed large losses, by only risking 1% of each trade.



Conclusion:


I hope may bago kayong natutunan sa article na ito. Lalong lalo na sa mga traders na nag uumpisa pa lang. Mahirap ang trading, pero walang mahirap sa taong determinado at pursigido matuto. Patuloy nyo sanang suportahan ang Altcoinpinoy by sharing this article to your friends and people who want to know how to trade.


Happy Trading!