Altcoinpinoy


In this article pag usupan natin ang high probability trading.

Kapag sinabi na high probability.  Ang ibig lang nito sabihin ay mas mataas ang chance na pumabor sa atin ang trade.

Ang trading ay isang uri ng probability game. Na kung saan sa pag aaral ng technical analysis, trading strategy, risk management, trading psychology, fundamentals.

Mas nagkakaroon tayo ng edge sa market. Habang mas dumadami ang ating nalalaman.


Hindi natin tinatry ipredict ang market base sa ating pananaw.

Nag rereact tayo based on evidence na nakikita natin sa chart.


Ngayon, aalamin natin ang mga lugar at set up na mas mataas ang chance natin na manalo sa trade.


Take note: Mas mataas lang ang chance, hindi 100% win rate ito. Kasi walang ganun.

Okay?

Kapag may nagsabi sayo na ang trading strategy nya ay may 100% win rate. Automatic scam yan, sampalin mo ng tsinelas sa mukha!


Anyway, umpisahan natin sa trend.

Kung makakasabay ka sa trend, tiyak na mas malaki ang profits.

sa trend may tinatawag na uptrend at downtrend.

Simple lang naman ang consepto dito eh.

Kapag uptrend ang market you should stay long.

Kapag downtrend ang market you should stay short.


Ang problema kasi ng ibang trader kapag nakita nila na nag uptrend ang market, mag shoshort sila sa itaas.

Sa pag aakala na mag rereverse na ang market.

Or nakita nila na oversold na ito sa RSI indicator.

That is a big no bro!

Kasi kapag malakas ang trend maaari itong mag tagal sa oversold level. Which is hindi alam ng karamihan.

Ang masasabi ko dyan, pag aralan mo ang trend reversal.

Don't go against the trend.


So na identify mo na ang market ay nag tetrending

Paano ka mag eenter ngayon?

Good question.

Dito papasok ang areas of value.

Na mention ko na ito  dati sa altcoinpinoy.


Areas of value


Ang areas of value ito yung lugar kung saan pinaka mainam bumili at mag benta.

Saang area ulit yun?

Tama! support and resistance.


Support and resistance



Kapag ang market ay nag tetrending, hindi yan tatakbo ng straightline

Let me give you a good example.

This is  Cardano USDT

Ito yung example ng good trending market.

Kapansin pansin kung paano sya nag bobounce sa support itong rectangular box na ito ang nagsisilbing temporary support nya.

normally hindi naman makakapag enter agad yung mga trader sa first bounce.

Ang enter ng mga trader nyan sa breakout sa 200 EMA, At sa  pullback sa ibabaw ng 200 EMA at trendline.

Yan yung good entry point talaga. Kasi na test dito yung lakas ng buyer side.

Sa ganitong set up hindi ka dapat mag shoshort. Walang trend reversal na naganap para mag short ka dito.

Yung idea sa downtrend parehas lang naman.


Dynamic Support and resistance



Dumako naman tayo sa dynamic support and resistance.

kanina yung horizontal lines, yun yung classic support and resistance.

At mayroon din tinatawag na dynamic support and resistance gamit ang moving average

Cardano chart din to guys

Ngayon naman nilagyan ko ito ng 20 EMA at 50 Exponentail moving average.

Yung yellow 20 exponential moving average.

Di ba nag bobounce ang price sa 20 moving average.

Kapag nag tetrend ang market makakapag enter tayo once na mag bounce ang price sa 20 EMA. 

Minsan tumatagos yan  hangang 50 EMA, yung yung magsisilbing second support natin.
At macoconsider din natin itong areas of value.



Stochastic indicators


Makakatulong din sa atin ang pag gamit ng indicators tulad ng stochastic sa pag hahanap ng high probability set up..

Karamihan sa mga traders ay nabibiktima ng overbought at oversold ng indicators.

Kagaya nga ng sinabi ko kanina, Kapag nakakita sila ng overbought sa trending market mag shoshort sila dun

Kapag oversold maglalagay sila ng long position.

 Then stopped out afterward.

Why?

Kasi hindi nila alam na in a strong trending market, pwedeng magtagal overbought at oversold ang asset.

So ano ang solusyon?

Ito

Kapag ang market ay uptrend. Long position lang pwede mong gawin, hihintayin mo mag oversold ang stochastic.

Kapag ang market ay downtrend, katulad nito.
short position ka lang hihintayin mo yung overbought ng stochastic sa ibaba.

Hindi ka pwede mag long position sa downtrend market, kahit nakikita mo na na oversold ito.

Remember don't go against the trend.



Ngayon alam na natin ang areas of value sa chart.

Aalamin naman natin kung paano tayo mag enter sa trade, ano yung mga ways to enter a trade.

Na discuss ko na din ito sa altcoinpinoy, uulitin ko lang ulit.


3 Ways to enter a trade


  • Pullback
  • Breakout
  • Failure test.

Isa isahin natin

By the way nasa trending market parin tayo ha.


Pullback


Ito yung pangyayari na pansamantala yung price ay gagalaw against the trend.
Nangyayari ito kasi may mga traders na nag tatake ng profit na nagkecreate ng selling pressure, pero temporary lang.

Macoconsider natin ang pullback ay good entry point kasi ito ay nasa area of value.


Breakout


Ito ang isa sa pinaka paborito kung entry point.

Ang breakout. Madalas dito nagsisimula ang trend uptrend man or downtrend.

Nangagaling ito sa trading ranges. At kung alam mo kung paano eidentify ang good breakout. Napaka profitable nito.

Daily Ethereum chart nga pala ito.

Ito yung magandang example ng strong breakout.

Bumuo sya ng ascending triangle at nagkaroon ng build up sa may resistance level.

Ibig sabihin maraming mga traders at investor's are willing to buy at a higher price. And its clearly a bullish sign.


Failure test


Maraming mga traders ang hindi pamilyar dito,

Ang failure test ay nangyayari pagkatapos ng false breakout sa support or sa resistance.

Sa example na ito, malakas ang  seller side.

Nagkaroon ng breakout pero mahina, na nagresulta sa  rejection.

Hangang sa macontrol na ito ng seller side.

Kapag nagform ito ng lower high, ito na yung sign para mag enter tayo ng short position.



Ngayon alam na natin mag enter sa areas value saan naman ang stop loss at profit target.

Well, kagaya ng lagi ko sinasabi, ang stop loss mo ay kailangan nakalagay kung saan sa tingin mo maiinvalidate ang trading strategy mo.

Balik tayo sa chart ng Cardano

Halimbawa, nag enter ka sa pullback after ng breakout sa 200 EMA.
dito banda ang entry point mo,
at ang stop loss mo sa swing low sa ibaba.

dito sa area na ito.

Kasi kung mag reretarece man yan, may support trendline at 200 EMA na sasalo, na maaring mag bounce yung price at hindi ka ma stopped out.

Mas maganda kung pre calculated na yung stop loss mo at target profit.
for example risk mo is 1% at 2% naman ang target profit. Kapag pre calculated  once nalaman mo yung entry point mo, automatic may stop loss at target profit ka na. Sa susunod siguro I will try to cover that.

Pwede din kayo gumamit dito ng trailing stop and ride with the trend.


Tips 


Sa pag gamit ng indicators kung stochastic gagamitin mo hindi mo na kailangan gumamit ng RSI, kasi parehas lang yan oversold overbought indicator.

Same thing with Simple moving average at Exponential moving average. Hindi mo kailangan pag sabayin tapus lalagyan mo pa ng hull moving average. And tendency analysis paralysis.

Huwag nyong pahirapan sarili nyo, mas simple mas okay.

Anyway, don't forget to subscribe to this channel marami pa tayo icocover na trading strategy at technical analysis dito.

I hope you do well, Goodluck and happy trading


Watch the full video here