Altcoinpinoy


Madalas ko sinasabi sa mga article na naisulat ko. 

Treat trading as a business.

Pero paano nga ba ito gawin?

In this article aalamin natin kung bakit parehas lang ang consepto ng business at trading.

Gusto natin maging successful trader not because of money.

But because of financial freedom

Wala kang boss, walang polictics, magagawa mo ang mga bagay na gusto mo gawin na hindi mo kailangan humingi ng approval nang iba.

"Boss baka pwede naman ako mag leave bukas magbabakasyon kasi kami ng mag anak blah blah."

Sasabihin ng boss mo. 

"Hindi pwede marami tayo gawa mag trabaho ka."

See.

Kung magiging successful trader ka, hindi mo mararanasan ang mga bagay na yan.

But the question is, How does it take?

How does it take to be a successful trader?


Treat it like a business


Paano ba nagiging successful ang isang business?

Ganito yan.

Napakadaming businesses na nagkalat sa market. 

There are millions of businesses in the market.

At karamihan sa mga ito ay makacategorized natin as high turnover business or low turn over business.

Let me explain.

Kapag sinabing high turn over business karamihan ito yung mga may maliliit na profit margin pero mabilis mabili. 

Mabilis yung turnover.

Katulad ng mga supermarket, yung paninda doon mura at mabilis mabenta.

On the other hand, kapag sinabing low turn over business. Hindi ganoon kabilis  mabili kasi mahal pero malaki ang profit margin. 

A good example is Rolex.

So ano ang kaugnayan nito sa trading?

Ang konsepto ay parehas sa trading.

Itanong mo sa sarili mo kung anong klaseng trader ka.

Isa ka bang high-frequency trader na ang hanap lang ng maliit na return to capture a small move (Scalpers, Day traders)

Or isa kang low-frequency trader na mas prefer na makasabay sa big move ng market (position trader, trend follower)

In other words, short term and long term traders.

So ano ang trading business model mo?

Dapat alam mo na yan bago ka pa lang magsimula sa trading.

Kung magsisimula ka palang sa trading. 

Good for you!

Magkaka idea ka kung anong gusto mo gawin sa article na ito.

Now, kung magtatayo ka ng business siguradong gagastos ka.

Every business has a cost.

Imagine kung magtatayo ka ng restaurant or kahit milk tea business.

Maglalabas at maglalabas ka nang pera.

Pang groceries, electric bills, kung may pinapasahod kang empleyado at renta sa lugar kung saan itatayo ang business mo.

Parehas din sa trading gagastos ka pa din.

Kahit na sabihin mo sa bahay  lang ang office mo at dun ka lang nag tetrade.

Bukod sa capital na ilalabas mo for your trading account. May isang bagay ka pa napagkakagastusan.

Ano naman yun?


The cost of losing


Kahit nasayo na ang pinaka the best na trading system at risk management.

Kahit may 1 billion trading account ka pa. It does not matter.

Makakaranas at makakaranas ka ng pagkatalo regularly.

At ito yung cost nakakaharapin mo in doing a business.

But wait, meron pang isa.


Opportunity cost

Yung opportunity cost na tinatawag.

Halimbawa, sa fulltime job na gusto mo ipagpalit kasi gusto mo mag fulltime trader ka na lang kumikita ka ng sabihin natin 500,000 pesos a year. 

Ngayon nag fulltime trader ka na kumikita ka na lang ng 300,000 pesos a year. 

May nawawalang 200,000 pesos, kung ikukumpara mo sa dati mong trabaho na full time job.

Yan yung sinasabi kung opportunity cost, kasi pwede ka naman humanap ng ibang trabaho na kaya mo kumita ng 500,000 a year ulit. 

Bat ka pa magfufulltime trader?

Anyway, that's just an example.

I will tell you later, kung paano mag survive sa ganitong klaseng business.


Sa business world ang market ay pabago bago.

It moves in cycles.

Laging may dumadating na pang yayari na hindi natin inaasahan, tulad ng recession, pagbasak ng ekonomiya.

Nang pandemic tulad ngayon.

As a business owner kailangan lagi kang handa at lagi kang may plan B.

Hindi ka dapat makampante na laging ganito maganda ang takbo ng business tuloy tuloy ang pasok ng pera.

Tulad ng nangyayari sa atin ngayon. 

Dumating ang pandemic, at isa kang gym owner business.

Kung wala kang planong iba, san pupulutin ang business mo ngayon?

Sarado na ang mga gym or wala nang masyadong mga customers. Kasi may pandemic.

Ano ang epekto nito sayo as a gym business owner?

Lugi, na maaring maging dahilan sa pag sasara ng business mo.

Bakit ko ito sinasabi, kasi parehas lang yan ng trading business natin.

Ang market ay pabago bago.

Minsan uptrend or downtrend, low volatility to high volatility at iba pa.

Darating ang panahon na pwedeng ang trading strategy na ginagamit natin ay hindi mag work sa loob ng ilang buwan.

Kaya napaka importante na mayroon tayong emergency funds or enough cash flow kapag dumating ang panahon na iyon.

Yan ang ating plan B.

Magtabi ng sapat na pera as an emergency funds.

Bukod sa trading kapital mo, may iba ka pang pera na nakatabi nakayang tustusan ang pangagalilangan mo at ng pamilya mo sa loob ng isang taon.

In other words. 12-month expenses.


At para makapag survive tayo sa trading business na ito, ang isa sa pinaka importante natin matutunan ay through adaption.

Kailangan matuto tayo mag adapt sa pabago bagong panahon ng market. 

Kung hindi na nag wowork ang ating strategy. Try to learn a new strategy nag magwowork sa new market condition.

Pag nagsimula tayo ng business. Normally, may isang producto lang tayo na ibinebenta. 

Ito yung pinaka core products natin.

Let me give you an example:

Amazon, noong una ang binebenta lang nyan mga libro.

Yung Apple, nagsimula yan sa MAC computer.

Tapos yung Google, pa search search lang muna.

Pero ngayon.

Ang Amazon nagbebenta na ng lahat ng bagay.

Ganoon din yung apple, multiple products and services na rin, Ipod, Iphone Itunes at iba pa.

Google, dati search lang diba. Ngayon may emails, business applications at nagdedevelop na rin ng self-driving cars.

Pero bakit kaya dinagdagan nila yung mga bagay na binebenta nila?

Simple lang


Diversification of risk


Hindi ka pwede mag rely sa isang product lang.

  • Sa Amazon-Paano kung wala ng magbasa ng mga libro
  • Sa Google -Paano kung may lumabas na mas mabilis na search engine
  • Sa Apple-Paano kung magkaroon bug ang mga Mac computers at hindi na magamit.

Ilan lamang yan sa example na pwedeng mangyari.

Nagegets nyo ba yung pinopoint out ko dito?

Kaya yung mga businesses hindi sila nag istick sa isang product lang at kailangan nila bumili at mag develop ng iba pang product and services to diversify their risk.

Same on trading

Sa una isang trading strategy lang ang gagamitin mo. 

Then afterwards, kailangan mo mag develop ng iba pang trading strategy na babagay sa ibang market condition.

Kunyari, ang trading strategy mo ay nag wowork lang sa trending market. How about trading ranges?

Kapag ang market ay nag moved sideways na anong trading strategy na gagamitin mo?

Yun ang pinupunto ko kaya maraming trading strategies na nakasulat sa altcoinpinoy para marami tayong options sa iba't ibang market condition.

Sa una nag tetrade tayo sa cryptocurrency market. Pero hindi tayo dapat mag stick sa market na ito, at kailangan natin mag evolve afterward.

We have to try other market as well, like forex and stocks.

Ginagawa natin ito to diversified are risk.

So kahit mag fail ang isang market, may options pa rin tayong mag trade sa ibang market and make profits.

Okay ba?

Good

Pumunta naman tayo sa mga tips kung paano natin tataasan ang chance natin maging successful sa ating trading business


Trade with an edge


Pag aralan ang mga trading psychology, risk management at mga trading system na subok na nang panahon.

Tulad ng Trend following 

Momentum trading.

Learn value investing hindi ito pang trader, pero makakatulong din.

Read books about trading, hindi sapat yung manunuod ka lang ng mga youtube videos. Iba pa rin kapag nag babasa ng mga libro. 

And then makakapag develop ka na nang sarili mong strategy na may edge sa market.


Grow your capital

In any business ata you need money to make money.

Kahit mag tayo ka ng sari sari store kailangan mo ng paninda.

But in trading. 

The more na mas malaki ang capital mo,  The more na mas malaki ang kikitain mo

Let me give you an example.

Halimbawa, may trading strategy ka nakayang magbigay sayo ng 20% profit a year.

Sa isang taon.

Kung may capital kang 50 0000 pesos - 

20% sa isang taon nasa PHP 10,000

Kung may capital kang PHP 500,000

Ang 20% nito sa isang taon ay PHP 100,000.

Kung isang milyong ang kapital mo 

Ang 20% nito sa isang taon ay PHP 200,000.

See.

Lets be realistic, kung 50,000 ang kapital mo at kumikita ka lang ng PHP 10,000 sa isang taon.

Sapat ba yan sa pangagailangan mo?

Hindi diba.

So ang solusyon ay to grow your capital?

Wag mung iwanan ang fulltime job mo. Gawin mo lang part time ang pagtetrading. 

Kapag napalago mo na ang kapital mo, at kaya mo nang sustentuhan ang pangagailanan mo. Then that's the time to quit your fulltime job and start a fulltime trading career.


Diversify your risk

Pwede kang gumamit ng iba't ibang trading strategies at makapag profit sa iba't ibang market condition.

Tulad nga ng sinabi ko kanina, trend following in trending market and mean reversion in range markets.

Also ito ang isa sa pinaka importante dito 


Multiple sources of income


Karamihan ng mga professional traders in the market, Mayroon silang multiple source of income.

Fixed income job, part-time job katulad ng freelancing etc.

Side hustle, mentoring traders,website, youtube.

At marami pang way to make multiple sources of income.


Be a student, continuous learning


Hindi porket nagpoprofit ka na sa trading mo, ay titigil ka na sa pag aaral.

Hindi. Kasi ang trading business is a long educational journey.

Kailangan mo iadapt ang pabago bagong takbo ng market. 

Kung ang trading strategy ay working ngayon, maaring hindi na mag work yan 3 years from now. So kung hihinto ka sa pagiging estudyante, kasi feeling mo alam mo na lahat. 

Maghintay ka lang na ibalik ka ng market sa pinagalingan mo, at mag start ka ulit sa zero.

Trading is like a business, marami silang pagkakapareho.

Kailangan mo kumita ng profit dito, imanage yung cash flow, mag diversify ng risk at mag adopt sa kung ano mang market condition.

I hope may natutunan kayong bago sa article na ito at makatulong sa inyong trading journey.

Good luck and happy trading!